Press "Enter" to skip to content

Misis Na Nag Abroad Lang, Yumabang Na Kumabit Pa Sa Iba

Ngitngit sa galit ang isang lalaki dahil matapos tulungan ang kanyang kinakasama na makapag abroad ay nagawa nitong ipagpalit siya sa iba. Kaya naman naghingi siya ng tulong sa programa ni Raffy Tulfo upang maturuan ito ng leksyon.

Reklamo ni mister

Ayon sa nagrereklamong si Richard Dimaano, mahal na mahal niya ang kanyang kinakasama niyang si Tessa Decorro. Tinulungan pa niya itong makapunta ng abroad para makapagtrabaho. Subalit nagawa pa nitong magloko at ipagpalit siya sa isang lalaki na nakilala lamang nito sa Facebook.

Misis Na Nag Abroad Lang, Yumabang Na Kumabit Pa Sa Iba 2

Sinubukan umanong kausapin ni Richard ang bagong boyfriend ni Tessa na si Christian Revale upang palayuin ito sa kanyang misis. Pumayag umano ito ngunit matapos ang isang buwan ay nalaman niyang hindi ito tumupad sa usapan.

Palusot ni misis

Ayon kay Tessa, hindi naman si Richard ang solong gumastos sa kanyang pag alis. Nauna rin umano si Richard na magkaroon ng kabit. Palusot pa niya, nananakit daw si Richard kung kaya nais na niya itong iwan at ipagpalit sa ibang lalaki.

Misis Na Nag Abroad Lang, Yumabang Na Kumabit Pa Sa Iba 3

Hindi kinagat ni idol Raffy ang palusot na ito ni Tessa. Ayon sa kanya, hindi man si Richard ang gumastos sa lahat ngunit hindi maitatanggi na malaki ang naitulong nito sa kanyang pag alis. Gasgas na rin umano ang palusot na sinasaktan siya dahil kung talagang totoo ito ay bakit hindi ito nagrereklamo noon pa. Kung kailan may iba na siya saka niya ito gagawing dahilan.

Tiklop si kabit

Napag alaman na isa palang future police ang kabit ni Tessa na si Christian. Kung kaya naman sabi ni idol Raffy, haharangin niya ang aplikasyon nito sa PNP Training Center bilang leksyon dito. Katwiran ni idol, hindi ito karapat-dapat na maging pulis kung ngayon pa lang ay nanunulot na ito ng asawa ng iba.

Misis Na Nag Abroad Lang, Yumabang Na Kumabit Pa Sa Iba 4

Sa takot na maudlot ang kanyang pangarap, nangako si Christian na lalayuan na niya si Tessa. Agad na umano niyang iboblock sa Facebook upang tuluyan na silang mawalan ng komunikasyon.

Pangako naman ni idol Raffy na tutulungan niya si Christian sa pangarap nito basta tumupad lang ito sa kanilang usapan. Pinayuhan pa niya na huwag sirain ang kanyang buhay dahil lang sa babaeng walang kwenta na tulad ni Tessa.

Source: Raffy Tulfo In Action

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: