Press "Enter" to skip to content

Misis, Nadepress At Pumanaw Dahil Sa Pambababae Ni Mister

Bigo ang nagrereklamong mister na si Jomarr Villegas na makuha ang kustodiya ng anak ilang buwan matapos pumanaw ang kanyang asawa dahil sa despresyon.

Kustodiya

Hinaing ni Jomarr, hindi nito makuha ang anak mula sa kanyang byenan. Hindi din aniya pinapayagan ang lalaki na makita ang bata kahit man lamang sa video call.

Misis, Nadepress At Pumanaw Dahil Sa Pambababae Ni Mister 2

Nakapanayam ni Idol Raffy ang byenan na si Gina Petes na kung saan ay pumanaw aniya ang kanyang anak na si Janine dahil sa lubos na stress mula sa pambababae ng asawa nito. Dalawang beses umano ito nagtangka na bawiin ang buhay ngunit sinwerte ito na maagapan sa unang pagkakataon.

Sa ikalawang beses ay hindi na naagapan at binawian na ng buhay ang anak ni Gina noong Nobyembre.

Tinanggi

Pilit naman na itinatanggi ni Jomarr ang mga akusasyon sa kanya ng byenan. Nagawa lamang umano nito na mambabae dahil nananakit at masakit magsalita ang asawa. Nauna din umano ito na magkaroon ng ibang lalake.

Gayunpaman, wala itong maibigay na konkretong ebidensya upang suportahan ang mga akusasyon laban sa pumanaw nang asawa.

Misis, Nadepress At Pumanaw Dahil Sa Pambababae Ni Mister 3

Dagdag pa ni Jomarr, may usapan at pinirmahan sila ni Janine na isang kasulatan na nagsasabing wala na silang pakialaman sa buhay ng isa’t isa. Suporta pa nito, may mga larawan ito ni Janine na may kasamang lalake, gabi bago ang araw na mawala ito.

Desisyon

Sa gitna ng litanya at pag-iyak ni Jomarr ay tila hindi kumbinsido si Idol Raffy kaya naman minarapat nito na hayaan ang pagdedesisyon sa DSWD officer na si Arlene Chua na syang humawak ng kaso ng pamilya.

Ayon sa imbestigasyon na isinagawa ng DSWD officer, ang ugat ng problema ay nagsimula sa pambabae ni Jomarr.

Imbestigasyon

Inilahad din nito ang dalawang beses na pagtangka ni Janine na bawiin ang buhay. Sa unang beses na nahuli si Jomarr at babae nito ay nagpatawad si Janine at ang pamilya nito. Ngunit sa ikalawang pagkakataon ay nahuli ni misis na magkaangkas sa motor ang kanyang mister at kabit nito.

Misis, Nadepress At Pumanaw Dahil Sa Pambababae Ni Mister 4

Nagkaroon din ng komprontasyon sa gitna ni misis at ng kabit ng mister nito. Doon ay nalugmok sa stress at depresyon si Janine at nagdesisyon na bawiin ang buhay. Pinatotohanan rin ni Arlene na walang pinirmahang dokumento sina Jomarr at Janine ukol sa paghihiwalay. BagÄ·us, abg dokumento ay ukol sa pagsusustento sa kanilang anak.

Rekomendasyon

Rekomendasyon ng DSWD officer ay kailanman hindi ibigay ang kustodiya ng bata sa ama nito. Dahil kapag nagsama si Jomarr at ang anak nito ay maaaring magdulot ito ng trauma sa bata.

Dahil anila ay balak ibahay ni Jomarr ang anak nito at ang kabit nito na syang nagdulot ng depresyon sa ina nito.

SOURCE: YouTube/Raffy Tulfo In Action

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: