Press "Enter" to skip to content

Misis, Sumama At Nagpa-Hudas Sa Tropa Ni Mister!

Umiiyak at masama ang loob ng nagrereklamong si Alfredo Bustillo, 34-taong gulang nang sumalang ito sa programa ni Idol Raffy. Si Alfredo ay isang technician sa Singapore na syang inirereklamo ang asawang si Lanie Bustillo at matalik na kaibigan na si Carlo Peralta.

Tinangay si misis

Inilahad ni Alfredo kung paano nito natuklasan ang panghuhudas sa kanya ng asawang si Lanie at Carlo. Aniya ay marami na ang nagsusumbong sakanya noon na may relasyon ang kanyang misis at kaibigan na si Carlo ngunit hindi nya ito pinapansin dahil malaki ang tiwala nito sa dalawa.

Misis, Sumama At Nagpa-Hudas Sa Tropa Ni Mister! 1

Nang makumpirma na may relasyon ang dalawa at matagal na syang tinatraydor ay sinubukan pa umano nya na ayusin ang gusot.

Noon ay nakapag-usap sina Alfredo at Carlo na kung sana ay nangako ang huli na titigilan na nito ang kanyang misis.

Ahas

Isa sa mga nakakapagpasama ng loob ng nagrereklamong si Alfredo ay matagal na nyang katrabaho at kaibigan si Carlo. Taong 2012 pa lamang ay magkatrabaho na sila sa Qatar at hanggang sa paglipat nito sa Singapore ay magkasama sila sa iisang kumpanya.

Misis, Sumama At Nagpa-Hudas Sa Tropa Ni Mister! 2

Magkasama din sila sa bahay at turing dito ay parang kapatid.

Kaya naman hindi ito makapaniwala na ito tatraydurin ng taong tinuring nito na parang kapatid. Mapagbigay din umano ito ng regalo sa kanyang anak at sa pamilya ni Lanie.

Aniya ay magaling kumuha ng loob at tiwala si Carlo.

Nagsasama

Ayon sa mga impormante ni Alfredo, nakatira umano si Lanie sa bahay na tinitirhan ng kapatid ni Carlo. Aniya ay magkasama na ito namumuhay. Dagdag pa rito, hindi naman makontak ng programa at hindi nito sinasagot ang mga tawag sakanila.

Misis, Sumama At Nagpa-Hudas Sa Tropa Ni Mister! 3

Gayunpaman, pinadalhan sila ng text message upang ipaalam ang reklamo ni Alfredo laban sakanila.

Ipa-deport

Hiling naman ni Alfredo ay mapa-deport si Carlo mula sa Singapore at mabigyan ng leksyon

Source: Raffy Tulfo In Action

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: