Press "Enter" to skip to content

Miyembro Ng Philippine Coast Guard K9 Unit, Nagpakain Sa Mga Aso’t Pusa Na Nasa Kalye

Viral ngayon ang mga larawan ng mga miyembro ng Philippine Coast Guard K9 unit na nag-papakain ng mga aso at pusa sa kalye ng Port Area, Manila, Sabado, Marso 28.

Good job

Bukod sa mga tao, apektado din ng enhanced community quarantine ang mga aso at pusa na naninirahan sa kalye. Dahil sa marami ang hindi makalabas ng bahay at ang mga saradong establisyemento sa buong Luzon, marami sa mga ito ang hindi makakain.

Kung kaya’t “Good job!” naman para sa mga netizen ang viral photo na ito ng mga Philippine Coast Guard K9 unit na nagpakain sa maraming aso at pusa sa kalye ng Port Area, Manila. Makikita sa mga larawan na ito ang ilang sako ng mga dog food at cat food na ipinapakain ng mga frontliners na ito sa mga aso at pusa.

Salamat po

Bumuhos naman ng mga pasasalamat mula sa mga netizen sa ginawang aksyon na ito ng mga frontliners. Labis nila itong ikinatuwa lalong lalo na yung mga pet lovers na hindi rin makalabas ngayon. Nagpasalamat sila sa malasakit na ipinakita ng mga frontliners na ito dahil hindi lamang ang mga tao ang kanilang pinangangalagaan kundi maging ang mga hayop na walang nag-aalaga at matirahan.

Miyembro Ng Philippine Coast Guard K9 Unit, Nagpakain Sa Mga Aso’t Pusa Na Nasa Kalye 6
Credits to Philippine Star

Saludo po kami

Maraming netizen rin ang sumaludo sa aksyon na ginawa ng mga magigiting na frontliners na ito. Sila ay walang sawa na tumutulong sa lahat sa kabila ng kapahamakan na maari nilang makuha lalo na’t mas lalo pang dumarami ang kumpirmadong kaso ng mga positibo sa COVID-19.

Ingat po

Pina-alalahanan din naman ng mga netizen ang frontliners na mag-iingat pa rin habang sila ay tumutulong sa lahat. Lalo na ngayong marami na rin sakanila ang apekatado ng nasabing virus. Sa panahon ngayon, importante pa rin na masiguro umano ang kanilang kaligtasan at kalusugan.

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: