Press "Enter" to skip to content

MM, Mananatili Sa GCQ; Cebu City, MECQ. Klasipikasyon Ng Quarantine Sa Ibang Lugar, Alamin!

Manila, Philippines – Kagabi, inanunsyo ni Presidential spokesperson Harry Roque ang pagpayag ng Pangulo na manatili sa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila sa loob ng susunod na dalawang linggo o mula Hulyo 16 hanggang Hulyo 31.

Pasya ng Pangulo

Ayon kay Spox, bago pa magbigay ng public address ang Pangulo, ay inirekomenda na ng mga eksperto mula sa University of the Philippines na ibalik sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang MM dahil sa mataas na kaso ng COVID-19.

MM, Mananatili Sa GCQ; Cebu City, MECQ. Klasipikasyon Ng Quarantine Sa Ibang Lugar, Alamin! 2
Photo Credit: Manila Bulletin

Sinang-ayunan naman ito ng Pangulo noong una ngunit umapela ang Metro Manila Mayors at nangakong mas paiigtingin nila ang localized lockdown at iba pang safety measures sa kanilang nasasakupan huwag lang ibalik sa MECQ ang National Capital Region.

Kondisyon ng Pangulo

Nagbabala naman ang Pangulo na kapag lumala pa ang kaso ng COVID-19 matapos ang dalawang linggo ay mapipilitan siyang magpatupad ng mas mahigpit na quarantine classification sa Metro Manila.

MM, Mananatili Sa GCQ; Cebu City, MECQ. Klasipikasyon Ng Quarantine Sa Ibang Lugar, Alamin! 3
Photo Credit: Manila Bulletin

Kaya naman umapila si Spox sa publiko na sumunod sa quarantine protocols at ingatan ang buhay para sa hanapbuhay.

Quarantine classifications sa kada lugar

Sa kabilang dako, bukod sa MM, ang lugar na nasa ilalim din ng GCQ hanggang Hulyo 31, 2020 ay ang mga sumusunod:

Laguna, Cavite, at Rizal para sa Luzon Region IV-A; Lapu Lapu City, Mandaue City para sa Visayas Region VII, Ormoc City, Southern Leyte, Zamboanga City, Butuan City, Agusan del Norte, Basilan, Talisay, Minglanilla, at Concepcion sa Cebu Province.

MM, Mananatili Sa GCQ; Cebu City, MECQ. Klasipikasyon Ng Quarantine Sa Ibang Lugar, Alamin! 4
Photo Credit: CNN Philippines

Isinailalim naman ng Pangulo sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) na may zoning containment strategy at strict local action ang mga sumusunod na lugar:

  • CAR – Benguet, Baguio City
  • Region I – Ilocos Sur, Pangasinan, Ilocos Norte, La Union, Dagupan City
  • Region II – Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya
  • Region III – Bataan, Nueva Ecija, Pampanga Bulacan, Tarlac, Zambales, Angeles City
  • Region IVA – Batangas, Quezon, Lucena City
  • Region IVB – Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Puerto Princesa City
  • Region V – Albay, Masbate, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Sorsogon, Naga City
  • Region VI – Iloilo, Negros Occidental, Capiz, Antique, Aklan, Guimaras, Iloilo City, Bacolod City
  • Region VII – Negros Oriental, Bohol, Cebu Province
  • Region VIII – Western Samar, Leyte, Biliran, Tacloban City
  • Region IX – Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay, Zamboanga del Norte
  • Region X – Misamis Occidental, Bukidnon, Lanao del Norte, Cagayan de Oro City, Iligan City
  • Region XI – Davao Oriental, Davao del Norte, Davao del Sur, Davao de Oro, Davao City
  • Region XII – Sultan Kudarat, Cotabato, South Cotabato, General Santos City
  • BARMM – Lanao del Sur, Maguindanao

Binanggit din ni Sec. Roque na isinailalim naman sa MGCQ medium risk ang mga lugar na gaya ng

  • Region XIII – Agusan del Sur, Dinagat Island, Surigao del Norte, at Surigao del Sur.

Samantala, ang natitirang lugar sa bansa ay mananatili naman sa MGCQ hanggang Hulyo 31, 2020.

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: