Press "Enter" to skip to content

MMDA: EDSA Busway, Ganap Na Magagamit sa Setyembre

Sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Lunes, Hulyo 20 na ang Epifanio de los Santos Avenue (EDSA) busway at ang 16 bus stops ay ganap na magagamit sa Setyembre.

Malapit na magamit

MMDA: EDSA Busway, Ganap Na Magagamit sa Setyembre 2
Photo Source: CNN Philippines

Sa isang Laging Handa briefing, sinabi ng tagapagsalita ng MMDA, Assistant Secretary Celine Pialago, na 9,000 concrete barriers ang nakatakdang maihatid sa loob ng isang linggo para sa busway, habang ang mga elevator para sa mga may kapansanan na commuter ay pumasa sa pag-inspeksyon at handa nang maikabit.

Sabi ni Pielago,“Natapos na yung inspection sa mga nasabing bus stops—anytime, ang target time po ay September, fully operational na po lahat ng 16 bus stops natin sa kahabaan ng EDSA.”

Gradual na pagbubukas

Bago ang busway ay ganap na magagamit, sinabi niya na ang mga komuter ay makakakuha din ng pagkakataon na gumamit ng ilang mga bus stops na kumpleto na.

Sabi pa niya, “Gradual po ang magiging opening ng mga nasabing bus stops. Isa-isa ho, kung ano na ang matatapos, yun na ho yung ipapagamit natin sa ating mga buses para magamit na rin ng ating mga commuters.”

MMDA: EDSA Busway, Ganap Na Magagamit sa Setyembre 3
Photo Source: ABSCBN News

Sa kasalukuyan, sinabi niya na apat na bus stops sa kahabaan ng median lanes ng EDSA ay nagagamit na – sa Santolan, Ortigas, Guadalupe, at Main Avenue.

Bus pa rin ang nais

Kasunod ng pagbabalik sa operasyon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) noong nakaraang linggo, sinabi niya na ang mga komuter ay patuloy na ginusto ang paggamit ng mga bus.

Sabi ni Pielago,“Nakakatuwa po dahil ang ating mga commuter mas pinili po na gamitin ang ating mga buses, nakita po nila ang kagandahan ng EDSA busway.”

Sa kasalukuyan, sinabi niya na kabuuang 550 na mga bus ang gumagamit ng EDSA busway – kasama ang mga bus na nagsisilbing bahagi ng MRT-3 augmentation service.

MMDA: EDSA Busway, Ganap Na Magagamit sa Setyembre 4
Photo Source: PHBus

Bilang karagdagan, sinabi niya na higit sa 150 karagdagang mga bus ang maaaring ipapasada depende sa mga pangangailangan ng mga commuter.

Sa unang kalahati ng Hulyo, sinabi niya na ang busway ay 80-porsyento na kumpleto, kasama ang oras ng paglalakbay para sa mga bus sa Edsa na bumababa mula sa average na dalawa hanggang tatlong oras ay nasa hanggang 45 minuto na lamang kabilang ang mga paghinto sa bus stops.

Source: Philippine News Agency

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: