Press "Enter" to skip to content

MMDA Employee Na Nambugbog Sa Anak Dahil Sa Takip Ng Aquarium, Kulong!

Isang MMDA employee ang laman ngayon ng social media dahil sa kanyang pagwawala at pambubugbog sa kanyang mag-ina. Nakunan ito sa video na siya naman kumalat sa Facebook.

Viral video

Ang video na kumakalat ay edited na kung saan pinagsama na ang dalawang pagkakataon na nanakit itong lalaki. Nakilala ang lalaki na si Roel G. Gatos na empleyado ng MMDA.

MMDA Employee Na Nambugbog Sa Anak Dahil Sa Takip Ng Aquarium, Kulong! 2

Sa unang video, makikita na hinatak ni Roel, ang ina patungo sakanya at tsaka ito sinaktan. Hindi pa nakuntento pinag susuntok pa nito ang babae sa tagiliran kahit nakaupo na at nakabaluktot sa sahig ang babae.

Ang video ay mukhang kinukuha ng anak ng babae, umiiyak ito at nagmamakaawa sa stepdad nito na itigil ang pananakit.

Pagkalap ng ebidensya

Sa pangalawang video, ang anak naman ang sinasaktan. Makikitang nasa lapag ang bata nang bigla itong paghahampasin ni Roel. Kahit may unan na hinarang ang bata ay hindi alintana ng stepdad at patuloy ang paghataw nito sakanya.

MMDA Employee Na Nambugbog Sa Anak Dahil Sa Takip Ng Aquarium, Kulong! 3

Mapapansin din na hindi gumagalaw ang nanay habang nagvvideo kahit sumisigaw at nagmamakaawa na sakanya ang anak niya. Marahil ito ay para hindi mapansin ni Roel na kumukuha sila ng ebidensya ng pananakit nito.

MMDA Employee Na Nambugbog Sa Anak Dahil Sa Takip Ng Aquarium, Kulong! 4

Update

Sa comment section ng isang nagpost, napagalaman na kasalukuyan nang nakakulong si Gatos matapos itong dalhin sa Police Station ng San Jose Del Monte Bulacan.

MMDA Employee Na Nambugbog Sa Anak Dahil Sa Takip Ng Aquarium, Kulong! 5

Dagdag pa ng post, dahil lamang daw sa simpleng plastic na takip ng aquarium kaya nito binugbog ang 11 year old na anak ng kanyang kinakasama.

Ayon sa ina ng bata, okay lang daw na siya ang saktan wag lang ang anak niya. Kaya naman kumuha na talaga siya ng ebidensya upang ipakita sa pulis ang ginagawang pananakit nito. Dali naman itong inaksyunan at kasalukuyan nang nakakulong ang lalaki.

DEMONYO ANG TINGIN KO SAYO !!!! HINDI KO AAKALAIN NA SASAKTAN MO ANAK KO NG GANYAN !!! LAKI NG PAKINABANG MO SA ANAK KO…

Posted by Aigie Dela Vega on Sunday, April 26, 2020

Netizens

Galit ang nagiisang sigaw ng mga netizens kay Gatos. Kaisa sila sa pag-tag sa page ni idol Raffy upang maaksyunan.

Bumuhos din ang mga gustong tumulong sa ina na nakilalang si Aigie Dela Vega. Taos puso naman itong nag pasalamat sa nag message.

THANK YOU PO 😍😍😍

Posted by Aigie Dela Vega on Monday, April 27, 2020

Good afternoonisa nanaman po ang nag negatibo sa Covid19 virus Isang MMDA employee na si Roel Gatos (stepfather), binugbog ang mag-ina. ipakalat ang video para mapanagot tong tao na eto#Raffytulfoinaction#SolidDuterte

Posted by Jun Sapilan on Monday, April 27, 2020

Source: Jun Sapilan

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: