Press "Enter" to skip to content

Mocha Uson, Nagtungo Sa NBI Para Harapin Ang Kaso Kaugnay Sa Pagpapakalat Ng Fake News

Manila, Philippines – Inihayag ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Deputy Administrator Mocha Uson na isang “honest mistake” ang kaniyang nagawa matapos siyang mag post sa kaniyang Facebook account hinggil sa natanggap na mga PPE’s.

Subpoena

Pumukaw ng atensyon ang nangyaring pag-post ni Uson kaya naman agaran itong iniimbestigahan ng National Bureau of Investigation dahil sa pagpapakalat ng fake news.

Mocha Uson, Nagtungo Sa NBI Para Harapin Ang Kaso Kaugnay Sa Pagpapakalat Ng Fake News 2
Photo credits: ABS-CBN

Ngayong araw, tumungo si Uson sa NBI bilang pagtalima sa subpoena mula sa cybercrime division ng ahensya. Ito ay matapos na makatanggap siya ng sulat na nag-utos sa kanya upang ipaliwanag ang paggamit niya ng larawan mula sa isang pribadong grupo para sa isang Facebook post tungkol sa pagbili ng personal protective equipment ng pamahalaan.

“Fake News”

Matatandaan na nitong Abril lamang ay inilathala ni Uson sa kanyang page ang tungkol as delivery ng 15,000 set ng PPEs na binili ng Department of Health. Ngunit lumalabas na ang larawang ginamit niya ay mula sa SM Foundation.

Ani ni Uson,

“Intensyon ko na bigyan ng kaalaman ang publiko na hindi pinapabayaan ng gobyerno ang frontliners. Kaya nga du’n sa post ko, nai-share ko ‘yung good news na mayroong ginagawang aksiyon ang gobyerno na mag-provide ng PPEs sa ating mga frontliners.”

Mocha Uson, Nagtungo Sa NBI Para Harapin Ang Kaso Kaugnay Sa Pagpapakalat Ng Fake News 3
Photo credits: Pinas Balita

Pahayag pa ni Uson sa NBI,

“Eh nagamit ko ‘yung photo na ‘yun mula sa Philippine Star na respetadong mainstream media, broadsheet. Yun pala mali din sila ng nagamit na larawan. So yung impormasyon na gusto kong i-share sa publiko na may ginagawa ang gobyerno para pangalagaan yung frontliners natin.”

Honest Mistake

Iginiit ni Uson na isang ‘honest mistake’ ang nangyari lamang. Ipinaliwanag niyang naglabas siya ng erratum sa kanyang Facebook page kasunod ng pagkakamali.

Samantala, sinabi ni NBI cybercrime division chief Victor Lorenzo na isinumite ni Uson ang mga larawan sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa subject ng reklamo.

Mocha Uson, Nagtungo Sa NBI Para Harapin Ang Kaso Kaugnay Sa Pagpapakalat Ng Fake News 4
Photo credits: ABS-CBN

Ani ni Lorenzo,

“We will wait for their Uson’s affidavit. Will make a report, will have it evaluated.”

Matatandaan na noong Abril 2018, inireklamo din si Uson dahil sa sinasabing pagpapakalat nito ng maling impormasyon sa kaniyang post noong Nobyembre 2016. Ito’y hinggil sa kinakailangang dumalo sa protest rally ang mga mag-aaral ng St. Scholastica’s College noong nasa Presidential Communications Operations Office pa ito.

Sa kasalukuyan, inutusan ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang mga taga NBI na imbestigahan ang COVID-19-related fake news.

Source: ABS-CBN

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: