Press "Enter" to skip to content

Modified Quarantine Posible Na Sa NCR

Manila, Philippines —  Posible ng magpatupad ng Modified Community Quarantine sa Metro Manila ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Modified Quarantine

Hintay-hintay lamang daw at malapit ng lumuwag ng dahan-dahan ang quarantine sabi ng Pangulong Duterte. “Modified Quarantine” muna dahil kung hindi umano modified magsisiksikan na naman sa LRT at di na matatapos ang problema ng bansa.

Modified Quarantine Posible Na Sa NCR 2
GMA News

Sa ngayon paunti-unti nang bubuksan ang mga construction work para sa mga construction worker. Dalawang ang klase ng quarantine ang mangyayari simula May 1, 2020. Ito ay sinabi niya sa kanyang public address kagabi April 27, 2020.

 Dalawang klase ng Quarantine

Ang dalawang klase ay ang una Enhance Community Quarantine (ECQ) na ipapatupad sa mga lugar na marami pa ring kaso ng COVID-19 kagaya ng Metro Manila at malaking bahagi ng Luzon At General Community Quarantine (GCQ).

Sa GCQ papayagan ang ilang mga industriya na magbukas sa Sector 2 halimbawa 50% -100% na opening ng mga nasa Electronics and Export, E-commerce, Repair and Maintenance, Housing and Office services.

Modified Quarantine Posible Na Sa NCR 3
GMA News

Sa Sector 3 naman 50% pwede naman naka-work from home at 50% ang nasa site sa Financial services, BPO, other Leisure services, Non-leisure, Whole at Retail trade. Sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ maaring payagan ang transportasyon basta mayroon pa ring “Social distancing”.

Kahit ang mga mall ay maari na ring payagan na mag-operate ng paunti-unti pero kailangan pa rin maghintay ng “final order” dahil inihahanda pa nila ito ani ng pangulo.

Karagdagan

Ayon pa sa Pangulo, sa mga hindi pa nakakatanggap ng tulong magreklamo daw sa mga governor, mayor, at brgy captain. Sa mga ito umano dapat magreport at magreklamo upang makarating ito sa Malacañang at malaman nila ang hinaing ng mga ito.

Modified Quarantine Posible Na Sa NCR 4
GMA News

Sabi naman ni Health Secretary Francisco Duque na maglalagay sila ng mobile clinic sa mga LGU upang gamutin ang may COVID-19. Ngunit kailangan pa rin sundin ng mga health worker ang social distancing upang maiwasan ang madagdagan ang kaso ng COVID-19 patients. Mayroon din itong mga security at limitado rin ang maaaring magpunta upang maiwasan ang “mass gathering”.

Source: GMA News





Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: