Press "Enter" to skip to content

Mommy Carol Pinayuhan Si Mommy Divine Tungkol Sa Matteo-Sarah Issue

Last updated on March 18, 2020

Mommy Carol ni Juday nagbigay ng payo kay Mommy Divine tungkol sa kaligayahan ng mga anak. Ito ay sa kabila ng kontrobersyang kinasasangkutan nito na nag ugat sa pakikipag relasyon ni Sarah kay Matteo at sa desisyon nitong lihim na magpakasal.

Ina sa ina

Kilala si Mommy Carol bilang striktong ina ni Judy Ann Santos at sa pagiging prangka nito. Kung kaya naman ng magkaroon ng pagkakataon ang press na tanungin siya sa kung anong masasabi niya tungkol sa kontrobersyal na “Divine Intervention” issue ay game na game siyang sumagot.

Mommy Carol Pinayuhan Si Mommy Divine Tungkol Sa Matteo-Sarah Issue 2

Sa kalagitnaan ng selebrasyon ng kanyang kaarawan, ay natanong siya ni PEP Troika ng Level Up Showbiz Saturdate sa Teleradyo Inquirer tungkol sa opinyon niya sa nasabing issue. Makabuluhan at napaka ganda ng sagot ni Mommy Carol. Sabi niya:

“At the end of the day, ang isipin mo ay ang kaligayahan ng anak mo, hindi yung kaligayahan mo. Kasi ikaw, paalis kana sa mundo. Itong anak mo, paumpisa pa lang so you always wish them the best na mangyayari sa buhay nila.”

“At matuwa ka na nandiyan ka pa, nakita mong masaya na ang anak mo, right?”

“Kahit nga ayaw mo ang mapapangasawa ng anak mo, the mere fact na gusto ng anak mo yun, wala kang magagawa

“Kasi, ikaw ba ang pakikisamahan ng mapapangasawa? Pabayaan mo ang anak mo. Sila naman ang magiging maligaya.

“At the end of the day, kung magkagulo-gulo, anak mo ang masisisi, at hindi ikaw.”

Mommy Carol Pinayuhan Si Mommy Divine Tungkol Sa Matteo-Sarah Issue 3

Divine Intervention

Kilala malapit na magkaibigan ang anak nilang sina Sarah at Juday kung kaya naman hindi nakakapagtaka kung maging malapit din si Mommy Carol kay Sarah. At bilang ina ng isang superstar alam na alam niya ang pakiramdam ng mag asawa ang kanyang anak.

Matatandaang naging kontrobersyal ang civil wedding nina Sarah at Matteo noong huwebes hindi lamang dahil sa secret wedding ito kundi sa “Divine Intervention” na naganap. Sa kasalukuyan ay wala pa rin official statement ang bagong kasal maging ang mga pamilya nito.

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: