Press "Enter" to skip to content

Mommy Sa BGC Inireklamo Ang Pang Aabuso Ng Pulis

Maraming residente sa BGC particular na ang isang ina matapos itong madismaya sa pag trato sa kanila ng mga pulis habang inilalakad sa park ang kanilang mga anak. Ayon sa Ina, laking gulat niya daw matapos siya at ng kaniyang kasama ay pinagsisigawan at pinagalitan ng mga pulis dahil umano sa paglabag nila sa batas na manatili sa bahay.

Ang pangyayari

Nitong Lingo lamang ay inanunsyo na ang Metro Manila ay isasailalim na sa GCQ. Isa ang lungsod ng Taguig na naglabas ng pahayag na papayagan na lumabas ang mga kabataan para mag ehersisyo kapag ang Metro Manila ay sumailalim sa GCQ.

Mommy Sa BGC Inireklamo Ang Pang Aabuso Ng Pulis 2
Photo Credit: Facebook

Ayon kay Rebecca nakasuot sila ng face mask at sinigurado ang distansya sa ibang tao. Habang naglalakad, bigla nalang silang napalibutan ng pitong pulis. Ang isang pulis ay galit na galit at sumisigaw. Nakuhanan ng video ng kapitbahay ni Rebecca ang insidente ng paninigaw.

Sinabihan sila na umuwi na at bawal ang bata sa labas. Sinubukan ipaliwanag ni Rebecca ang guidelines sa Taguig sa ilalim ng GCQ ngunit lalong nagalit ang pulis at sinabihan pa silang aarestuhin. Sinabi ng pulis na sila ang may kapangyarihan at dapat silang sundin.

Tangkang pag aresto

Nakuhanan ng video ang ginawa ng mga pulis ki Rebecca habang siya ay mahinahon na nagpapaliwanag sa pangyayari. ANi pa ng mga puis dapat daw sumunod sila sa patakaran kundi aarestuhin daw siya.

Makalipas ang ilang minuto, inilabas ng isang pulis ang posas at pinakita ki Rebecca. Matapos masaksihan ang nangyari, umiyak umano ang tatlong gulang na anak ni Rebecca dahil akala nya ay kukunin ang kanyang ina. Tinigilan ni Rebecca pag papaliwanag at pinagpasyahan na lamang na umuwi.

Mommy Sa BGC Inireklamo Ang Pang Aabuso Ng Pulis 3
Photo Credit: Facebook

Si Carolina Machado isa pang ina mula Brazil na nakatira din sa BGC ang nakaranas ng kaparehong insidente kay Rebecca. Sinigawan at pinahiya umano sya ng pulis habang naglalakad sa park kasama ang kanyang dalawang anak. Sinabi ni Carolina na nagkaroon sila ng trauma sa nangyari at takot na umano ang kanyang mga anak sa mga pulis.

Ilan pang mga ina sa BGC ang nakaranas ng pang aabuso ng pulis. Isang ina na Israeli ang nagsabing aalis na sya sa Pinas dahil sa harassment na naranasan sa mga pulis.

Ang patawad

Humingi ng tawad si Taguig Chief of Police Celso Rodriguez sa pag uugali na ipinakita ng mga pulis sa mga ina at bata na naglalakad sa mga park sa BGC.

Sinabi ni Chief na napanuod nya ang video at kitang kita na may pagkakamali ang pulis. Ang kanya umanong direktiba sa Taguig police ay maging marespeto sa lahat ng oras.

Mommy Sa BGC Inireklamo Ang Pang Aabuso Ng Pulis 4
Photo Credit: Agoda

Ang mga pulis na sangkot sa insidente ay hindi umano miyembro ng Taguig police. Sila ay miyembro ng NCRPO. Sila ay inimbitahan na sa opisina ni Chief para magpaliwanag. Maari silang parusahan at masuspinde ng tatlong araw dahil sa kapabayaan sa kanilang tungkulin.

Source: ABS-CBN News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: