Press "Enter" to skip to content

Mother Kween, Binasag Na Ang Katahimikan Matapos Magparamdam Si Lloyd Cadena

Manila Philippines – Nag-iwan ng mensahe si Mother Kween sa lahat ng mga tagahanga at nagmamahal ki Lloyd matapos na mag viral ang kaniyang video na maririnig na may tila boces ni Kween na nagsasalita.

Viral Video

Ilang araw bago ang kaniyang ika-40days, gumawa ng video si Mother Kween na sinasagot ang mga random na katanungan mula sa mga tagahanga.

Mother Kween, Binasag Na Ang Katahimikan Matapos Magparamdam Si Lloyd Cadena 2

Ngunit sa gitnang bahagi ng pagsasalita ni Mother Kween sa kaniyang video, marami ang kinilabutan at nakarinig ng boces ni Lloyd na tila may sinasambit na mga linya at mensahe para sa kaniyang Ina.

Ilan sa mga ito ang katagang,

  • 6:39 “help!”
  • 6:42 “kausapin mko”
  • 6:48 “Ma”
  • 7:22 “Nahihirapan nako”

Kaya naman marami ang nagbigay ng spekulasyon na maaring ito ay ang mga nais ipaabot sa Ina bago sa Ina habang ito ay nag sasalita sa video.

Mensahe Ni Mother

Sa ika-40days ni Lloyd at matapos makarating ki Mother ang mga komento na iniwan sa kaniyang YouTube video, binasag nito ang kaniyang katahimikan.

Aniya,

“Sa last vlog ko, madami ako nababasa na comments na naririnig nila si Lloyd na nag sasalita sa video ko. Kung naririnig man ninyo, ipagdasal nyo na lang si Lloyd.

Dagdag pa nito,

“At saka huwag na kayo gumawa-gawa ng maraming istorya. Yung iba, pinagkitaan nila. Gumawa sila ng sariling video at ipino-post nila dun.”

Nanawagan din si Mother na sana’y respetuhin na lang nila ang taong yumao, respeto sa kaniya bilang isang Ina at respeto sa pamilya na mga iniwan ni Lloyd.

Wika ni Mother,

“Sana respeto sakin, sa family ko kay Lloyd. Sana huwag na kung ano-ano pa sinasabi.”

Pasasalamat

Nagpasalamat din si Mother sa lahat ng mga tumulong sa kanila financially simula sa umpisa hanggang sa mag 40 days si Lloyd. Maging sa kaniyang mga kaibigan na dumayo pa mula malayong lugar, sa mga skwelahan, radio station, kaibigan at mga sumusuporta ki Lloyd.

Bagama’t makikita mo na ngumigiti na ng bahagya si Mother, napapansin mo parin sa kaniya ang pangungulila sa kaniyang mahal na anak. Kaya naman nananawagan siya sa lahat na ipagdasal na lamang ang kaniyang anak para sa kaniyang katahimikan.

Ayon pa kay Mother, ngayon na wala na si Lloyd sana’y huwag siya makalimutan ng mga taga hanga. Maari lamang daw ang balikan na lamang ng mga tagahanga ang mga masasayang vlogs ni Kween ng siya ay nabubuhay pa.

Sa huli sinabi ni Mother na pag tapos ng pandemic, nais niyang mag meet and greet siya kasama ng mga Supporters nilang mag-ina. Kaniya rin sinabi na magiging bukas sa publiko ang urn ni Lloyd pag tapos ng pandemya.

SOURCE: https://youtu.be/DYmOrI03nno

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: