Press "Enter" to skip to content

Motor Ng Delivery Rider, Klinamp Ng Mga Sekyu Sa BF Homes, Paranaque Dahil Walang Pambayad Ng P2500

Viral ngayon sa social media ang video ng paghuhuli at pagclamp ng mga security guard ng BF Homes sa isang delivery rider.

Modus

Naglabas ng hinaing ang isang netizen ukol sa diumano ilegal na panghuhuli ng mga security guard sa isang delivery rider sa BF Homes, Paranaque. Sa post ni Jzel Narud, kinukwestyon nito ang legalidad ng panghuhuli ng mga security guard sa kanyang kapatid. Dagdag pa nyan, nagaabang umano sa stoplight ang mga sekyu ng subdivision at doon nanghuhuli ng mga rider.

Motor Ng Delivery Rider, Klinamp Ng Mga Sekyu Sa BF Homes, Paranaque Dahil Walang Pambayad Ng P2500 2

“Tanong Lang po mga friends Kung legit po ba tong ginagawa ng mga security guard sa may BF homes paranaque na nagtatago at biglang nanghuhuli ng mga rider sa stoplight nila”

Ilegal

Kinaclamp ng mga sekyu ang motor ng kanilang mahuhuli na kung saan ay nabiktima ang kanyang kapatid. Dahil aniya walang pambayad na 2500 pesos ang kanyang kapatid, clinamp ng mga ito ang motor nito. Sa video ay makikita na kinokontes ng rider na tiketan na lamang sya at willing ito na ibigay ang kanyang lisensya. Ganunpaman, hindi ito pinapakinggan ng mga sekyu at pilit na kinaclamp ang motor nito. Wala din aniya paniket ang mga security guard ng BF Homes.

Motor Ng Delivery Rider, Klinamp Ng Mga Sekyu Sa BF Homes, Paranaque Dahil Walang Pambayad Ng P2500 3

“I clamp nila Ang motor mo pag d ka mkbayad ng 2500😠 Wala Naman clang paniket Sana Kung may violation ka pwede Naman tikitan Ang lisensya kaso ayaw nila kailangan daw mgbayad ng 2500 Kung di makabayad I clamp nila motor mo”

Patakaran

Sa video ay makikita na pinipilit na ipaintindi ng sekyu sa rider na ang batas na pinaiiral ay patakaran ng pribadong subdibisyon na pinagtatrabahuan nila. Ganunman, hindi din nagpatinag ang biktima at pilit na ginigiit na tiketan na lamang sya. Dahil walang pambayad na P2500, iniwan na lamang ng rider ang kanyang relo sa mga sekyu doon. Tinanggap naman ito ng mga guard. Hindi na rin ito nagpilit na ilaban na matiketan na lamang sya dahil maraming sekyu ang nakapaligid sakanya. Kita din sa video na maraming gwardya ang nasa nasabing lugar.

Motor Ng Delivery Rider, Klinamp Ng Mga Sekyu Sa BF Homes, Paranaque Dahil Walang Pambayad Ng P2500 4

“Wala syang pambayad kaya ung relo n Lang nia iniwan Nia dun Wala n sya nagawa KC madami din ung mga security guard n nandon.

Aksyunan

Hangad ng netizen na maaksyunan ang tila hindi tamang pamamalakad sa nasabing subdibisyon. Dagdag pa riyan, pinabura ang bidyo na kuha ng kapatid nito noong iniabot nito ang relo niya para matubos ang motor. Gayunman, narecover pa din ang naburang video kaya naman naibahagi ito sa social media.

Motor Ng Delivery Rider, Klinamp Ng Mga Sekyu Sa BF Homes, Paranaque Dahil Walang Pambayad Ng P2500 5

“Pa help Naman po para ma aksyonan 🙏 kawawa mga rider n nag dedeliver dun hinuhule nila para pagbayarin 😠 ayaw nila magpa video pinabura ung video sa cp Nia pagka bgay Nia mg relo at bago makuha Ang motor, buti n lng my recovery KC meron pa den video. salamat po”

Tanggalan ng lisensya

Inulan ng maraming galit na komento laban sa mga sekyu ang post. Anila ay tanggalan ng lisensya ang mga ito dahil ilegal ang ginagawang panghuhuli ng mga ito. Liban pa dyan, wala rin paniket ang mga ito kaya hindi lehitimo ang panghuhuli ng mga ito.

Posted by Jzel Narud on Friday, October 16, 2020

Posted by Jzel Narud on Friday, October 16, 2020

Tanong Lang po mga friends Kung legit po ba tong ginagawa ng mga security guard sa may BF homes paranaque na nagtatago…

Posted by Jzel Narud on Friday, October 16, 2020

Source: Jzel Narud

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: