Press "Enter" to skip to content

Motor Racer Masato, Nagdesisyong Ituloy Ang Kaso Ukol Sa Road Rage Incident

Unti-unti na nagkaroon ng linaw ang viral road rage na kinasangkutan ng isang international racer na si Fernando Masato. Ang hangad ng professional racer ay makausap nang harapan ang mga taong naka-agrabyado sakanya sa nasabing viral video.

Tukoy na!

Natukoy na ang pagkakakilanlan ng tunay na nagmamay-ari ng sasakyan na minamaneho ng mga lalaking sangkot sa road rage. Ito ay kinilalang si Atty. Rodriguez Lacsamana na taga-Merville, Parañaque.

Motor Racer Masato, Nagdesisyong Ituloy Ang Kaso Ukol Sa Road Rage Incident 1

Nakapanayam ni Idol Raffy ang barangay chairman ng Barangay Merville na si Ed Caballero. Aniya ay isang opisyal sa barangay si Atty Lacsamana at naikwenti nito dito ang kinasangkutan ng kanyang apo sa isang viral road rage. Aniya ay hiniram umano ng kanyang apo ang sasakyan.

Dagdag pa nito ay pabalik balik sa ospital si Atty. Lacsamana at sa oras ng kanilang paguusap ay kasalukuyan itong nasa ospital.

Suhestyon ni Idol Raffy ay pakiusapan ng chairman si Atty. Lacsamana at iharap ang apo nito bilang ang hangad lamang ng nagrereklamo ay makausap ang nag-agrabyado sa kanya at mag-public apology.

Nakapanayam din ni Idol Raffy ang Pasay PNP Investigator na si Sgt. Rodolfo Siquina, Jr. Ayon sa kanilang pag-iimbestiga ay nasa ospital umano si Atty. Lacsamana. Nakausap umano nito ang apong babae ng abogado.

Road rage

Nagsagawa din ng research ang mga netizens na kung saan ay lumutang ang mga pangalang Reigner Lacsamana at Christian George Cariño na sya ngayong bineberipika ng PNP.

Motor Racer Masato, Nagdesisyong Ituloy Ang Kaso Ukol Sa Road Rage Incident 2

Ayon pa sa Raffy Tulfo In Action reporter, ang dalawang ito ay magbayaw diumano.

Face off

Nagpunta sa Barangay Merville ang team ni Idol Raffy at Masato upang personal na makausap ang mga nakasagupa sa road rage. Nang sunduin ng barangay ay diumano wala umano ang mga ito sa bahay.

Motor Racer Masato, Nagdesisyong Ituloy Ang Kaso Ukol Sa Road Rage Incident 3

Ayon pa sa isang barangay officer, hindi umano nila kilala at di sila nagbigay ng impormasyon ukol sa identity ng mga ito. Kaya naman nagdesisyon si Masato na ituloy nalang ang kaso.

Tuloy ang kaso

Makalipas ang ilang minuto ay tumawag ang barangay sa RTIA reporter at nagsabi na handa na umano humarap ang apo ni Atty Lacsamana ngunit tumanggi na ip-media.

Motor Racer Masato, Nagdesisyong Ituloy Ang Kaso Ukol Sa Road Rage Incident 4

Sa puntong ito ay hindi pumayag si Masato at hiniling na ituloy na lang ang kaso.

Source: Raffy Tulfo In Action

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: