Press "Enter" to skip to content

Motorcycle Barrier, Kinwestyon Ni Idol Raffy At Sir Bosita

Nitong July 20,2020, naghayag si Sir Raffy Tulfo sa kanyang youtube account ng kanyang reaksyon ukol sa inilabas na protocol ng IATF, para sa mga riders na gustong mag angkas.

Isinabatas sa barrier

Usap usapan ngayon ang bagong protocol na ipapatupad ng Inter-Agency Task Force o IATF para sa mga rider na nais mag-angkas ng kanilang mga kaanak o kasama sa bahay. Ito ay pormal na ipatutupad ng IATF simula July 27,2020. Huhulihin at titikitan umano ng mga tagapangasiwa ang mga motorsiklong lalabag sa protocol.

Motorcycle Barrier, Kinwestyon Ni Idol Raffy At Sir Bosita 2
Photo Credit: Ret.Col.Bonifacio Bosita

Ang ilang mga rider ay nagkukumahog na sa pagbili ng nasabing barrier, dahil sa takot na matikitan. Ang improvise barrier na ito ay nagkakahalaga mula 500 pesos hanggang 1,200 pesos.

Ilang netizen naman ang nagrequest kay Sir Raffy Tulfo na isa sa mga sumbungan ng bayan, na magbigay ng reaksyon ukol sa pagpapatupad na ito ng ating pamahalaan. Upang maiwasan di umano ang pagkalat ng Covid -19. Nilinaw ni Sir Raffy na hindi sya rider o nagkaroon ng kahit anong karanasan sa pagdrive o di kaya’y sumukay ng isang motor.

Tanong Ni Sir Raffy

Panimulang tanong ni Sir Raffy para sa IATF at sa creator o nagconceptualized ng idea ng mounted plastic barrier or kung sino man ang may idea neto aniya.

Motorcycle Barrier, Kinwestyon Ni Idol Raffy At Sir Bosita 3
Photo Credit: Ret.Col. Bonifacio Bosita

Una, mayroon po ba sa inyo ang sertipikado o beteranong rider na maraming karanasan sa pagmomotorsiklo? Pangalawa, kayo po ba ay kumonsulta sa mga eksperto? Halimbawa na lamang sa mga manufacturer ng motor o di kaya sa aerodynamic engineer tungkol sa disenyo na pinapalagay nyo sa bawat motor. Ikatlo, hindi po kaya redundant yang ginagawa nyong yan? and explain why?

Mungkahi ni Sir Raffy

Isa sa mga suhestyon ni Sir Raffy ay dapat kumonsulta sila sa eksperto o di kaya ay may karanasan din umano ang gumawa o nagdisenyo ng barrier para alam din nila kung ano ang kalagayan ng isang rider kapag may ganitong harang ang kanilang motor. Nararapat din aniya na magkaroon ng concept testing upang matiyak na walang panganib sa mga gagamit ang idinagdag nilang disenyo .

 Ayon sa nakapanayam nya na si Ret.Col. Bonifacio Bosita, founder ng Riders Safety Advocates of the Philippines na hindi rin sang ayon ang RSAP sa pagpapatupad na ito ng IATF,dahil bukod sa dagdag gastos, ay hindi naman effective. Pinatutuhan ni Sir Bosita ang sinabi ni Sir Raffy na malikot ang hampas ng hangin at di sapat para macontrol yung sinasabing talsik ng laway.

Motorcycle Barrier, Kinwestyon Ni Idol Raffy At Sir Bosita 4
Photo Credit: Ret.Col. Bonifacio Bosita

Ayon pa kay Ret.Col.Bosita,

Ito ay hindi ligtas sa ating mga riders kung mapapansin po ninyo ay iilan palang ang napipilitang sumunod sa barrier na ito. Pero marami rami na rin po ang naaksidente at nadidiskrasya, ibig sabihin pala kung talagang ito ay paninindigan ng ating may mga katungkulan ay tiyak pala po ang mas marami pa ang madidisgrasya na maaring ang iba po ay mamatay dahil sa barrier na ito.

Narito ang kabuuang video ng kanilang panayam:

Source: Raffy Tulfo in Action

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: