Press "Enter" to skip to content

Move On Na! Sinas Pinayuhan Ang Mga Tao Na Mag Move On Na Sa Mananita Niya Dahil Siya Nakamove On Na

Matapos ipagtanggol ni Pangulong Duterte si National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Police Major General Debold Sinas kaugnay sa pagpapaparty nito nung birthday niya noong May 8, tila naman nangaasar itong si Sinas na sinabi sa mga tao na magmove on na.

Salamat PRRD

Sa pahayag sakanya noong Miyerkules, sinabi nito ni Sinas na nagpapasalamat siya sa Pangulo sa pagtatanggol nito sakanya at pagsasabi na mabuting pulis siya. Natuwa daw siya na narecognisa siya ng mismong presidente at ang ginagawa niya.

Move On Na! Sinas Pinayuhan Ang Mga Tao Na Mag Move On Na Sa Mananita Niya Dahil Siya Nakamove On Na 2

“First, I’d like to thank the President for the trust and confidence. Thank you po, Mr. President at narecognize niyo po ako… ako po ay talagang natutuwa na the President has recognized our effort,”

Tuloy lang ang buhay

Sabi pa nito, kung yung iba daw nagkamali lang, okay lang daw. Ituloy lamang daw ang trabaho. Ang mahalaga sa puntong ito ay ang guidance daw ng pangulo at ang pagbibigay nito ng basbas na ituloy lang.

Move On Na! Sinas Pinayuhan Ang Mga Tao Na Mag Move On Na Sa Mananita Niya Dahil Siya Nakamove On Na 3

“‘Yung iba kung nagkamali man, okay lang, tuloy lang ang trabaho. Ang guidance naman ni President, tuloy ang trabaho at ipagpatuloy ang magandang gawain. ‘Yun po ang gagawin namin,”

Move on na kayo

Dagdag pa ni Sinas, mataas daw ang morale niya ngayon dahil sa sinabi ng Pangulo. Hindi man siya personal na nakapagpasalamat sa Pangulo, tinatanaw niya na isang malaking utang na loob ang sinabi nito. Nagpayo na din siya sa mga tao na mag move on na daw sana dahil siya naka-move on na.

“Hopefully maka-move on sila kasi ako magmo-move on na ako eh.”

Pagtatanggol

Matatandaang sinabi ng pangulo sa televised press conference noon Martes na mabuting pulis daw si Sinas. Hindi daw nito kasalanan na binigyan siya ng surprise party ng mga tao niya.

Saka nito, sinabi pa rin ng Philippine National Police Internal Affairs Service na walang impact ang sinabi ng pangulo sa ongoing case laban kay Sinas.

Source: GMA News Online

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: