Press "Enter" to skip to content

Mr. 100 Million Update: Tiklop Sa CIDG Aklan Matapos Magpost Na Magbibigay 100M Sa Makakapatay Kay Duterte

Arestado ang lalaking kumasa at sumakay sa nagviral na guro. Ayon dito magbibigay daw siya ng 100 million pesos sa kung sino ang makakapatay kay Duterte.

Huli ka

Sa mga litrato, ipinakita ng CIDG Aklan ang pagkakahuli sa lalaki. Nahuli ito kagabi ng mga alas siyete ng gabi sa Vargas Compound, Sitio Hagdan, Brgy. Yapak, Malay Aklan.

Mr. 100 Million Update: Tiklop Sa CIDG Aklan Matapos Magpost Na Magbibigay 100M Sa Makakapatay Kay Duterte 2

Matatandaang sinabi nito sa post niya na nasa Boracay siya na tila ba hinahamon pa ang mga pulis.

Pagkasa

Kahapon ay nagviral ang isang guro na nagtweet na magbibigay ng 50 milyon na ayuda sa kung sino mang makakapatay kay Pangulong Duterte. Agad din itong nahuli ng NBI Dagupan na nagsagawa ng manhunt operation.

Mr. 100 Million Update: Tiklop Sa CIDG Aklan Matapos Magpost Na Magbibigay 100M Sa Makakapatay Kay Duterte 3

Pagluhod at pagmamakaawa ang sagot ng guro. Hindi daw niya akalain na ganito ang magiging epekto. Nais lamang daw niyang sumikat ang tweet at may magretweet.

Ito ay sinakyan at sinabing dodoblehin ni Ronald Quiboyen, na agad din namang nahuli.

Walang video?

Kahapon nagtatanong ang netizens kung iiyak din kaya siya? Sa ngayon ay wala pang video na inilalabas. Tanging mga litrato lamang mula sa CIDG.

Source: Duterter Warriors

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: