Press "Enter" to skip to content

Mr & Mrs Guidicelli, Nag-Late Honeymoon Kasama Ang Pamilya Belo

Sa wakas ay natuloy na ang long overdue na honeymoon ng February newlyweds na sina Matteo Guidicelli at singer na si Sarah Geronimo. Ito ay ayon sa Instagram post ng doctor to the stars na si Vicky Belo.

Late honeymoon

Sa isang IG post ni Vicky Belo, nauna nitong ipinakita ang tatlong pares ng legs na nasa poolside sa isang resort. Halata naman na ang isang pares ng binti ay sa anak nito na si Scarlet Snow. Inamin nito na hindi ito sa kanilang mag-asawa, Hayden at Vicky. Sa post ay nagbigay ito ng clue sa kung sino nga ba ang kasama ni Scarlet sa larawan.

Aniya,

“Hint: it’s kindda they’re long delayed honeymoon.

Pagkukumpirma nito,

“Sorry guys, but Hayden’s legs are much hairier than those and I’m taking the picture. So we are not in the picture. Try again everyone.”

Sinegundahan naman ni Hayden Kho ang comment ni Doc Vicky ng,

“I have hairy legs. Those are not mine. And Vicky took the photo. So who do those legs BELOng to?”

Guess what?

Hula ng netizens, ang mga ito ay sina Richard Gutierrez, asawang si Sarah Labati at kanilang anak. Gayunman, nang ibigay ni Doc Vicki ang clue, natumpak agad ng netizens na ang mga ito ay ang newlyweds na sina Matteo at Sarah Geronimo-Guidicelli. Kasunod nito ay isa muling IG post na litrato ng mag-asawa kasama si Scarlet Snow. Tiniyak naman ni Doc Belo na ang mga ito ay naka-mask sa kanilang bakasyon.

Feb wedding

Matatandaang ikinagulat ng marami ang intimate na kasal ni Sarah at Matteo noong Pebrero lamang. Naging kontrobersyal ang Christian wedding ng dalawa nang magkaroon ng engkwentro o suntukan sa gitna ni Matteo at bodyguard ni Sarah. Ang Christian wedding ng dalawa ay dinaluhan ng partido ni Matteo at naging lihim naman ito sa partido ni sikat na singer.

Source: Inquirer.Net

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: