Press "Enter" to skip to content

Multiple CancEr Na Scammer Pinatawad Ng Rider Na Nascam Ngunit Sinampahan Parin Ng Kaso

“Kailangan ko lang ng pera”, ito ang dahilan ng isang scammer na kinilala bilang si Sherryl Anne Amor. Inireklamo siya ng Lalamove rider na si Onofre Dalope.

Modus

Kwento ni Onofre, may natanggap daw siyang order na bigla din naman nawala. Ngunit matapos ang ilan sandali, bumalik ang order na may priority 200 na. Ibig sabihin mas malaki ang makukuha niya kaya naman tinanggap niya ito.

Pagdating daw niya, hiningan niya ng resibo si Sherryl na magpapadala ng cellphone ngunit sabi nito walang resibo dahil online.

Kaya naman minabuti niya na picturan nalang si Sherryl upang patunay na siya ang nagpadala. Ganun daw talaga ang ginagawa nila pag walang resibo.

Subalit nang papunta na siya sa umorder, bigla namang kinancel ni Sherryl ang order.

Blotter

Dito na kinabahan si Onofre kaya naman sinubukan niyang tawagan si Sherryl ngunit ring nalang daw ito ng ring. Bumalik siya kung san sila nagkita ni Sherryl ngunit hindi siya nito sinipot.

Kaya naman minabuti niyang magpablotter nalang.

Multiple CancEr Na Scammer Pinatawad Ng Rider Na Nascam Ngunit Sinampahan Parin Ng Kaso 1

Mababaw na rason

Nang tanungin ni Idol si Sherryl kung bakit niya nagawa, ay sinabi nito na talagang kailangan lang daw talaga ng pera kaya niya nagawa yun.

Sinabi nito na may utang daw siya na kailangan na niya bayaran kaya naman daw niya nagawa ito. Sinabi naman ni Idol sakanya ng harap harapan na napakababaw naman daw ng rason niya.

Multiple CancEr Na Scammer Pinatawad Ng Rider Na Nascam Ngunit Sinampahan Parin Ng Kaso 2

Ang iba daw ay may sakit o may kailangan ipagamot ang rason nila pero siya utang lamang.

Sinabi naman niya na alam niyang mali ang ginawa niya at humingi ng tawad.

Pagpapatawad

Matapos nila makipagusap sa himpilan ni Idol, minabuti ni Onofre na patawarin na ang scammer.

Ngunit nilinaw nito na kahit pinapatawad na niya ito, ay kailangan padin niyang managot sa batas, at pagbayaran ang kasalanan niya.

Panoorin dito ang unang video kung saan nagkaharap ang dalawa:

https://l.facebook.com/l.php?u=https%3A%2F%2Fyoutu.be%2FDmozYpZ1xpU%3Ffbclid%3DIwAR3dHYsC2–EhuIdk_WzbhlKBkW2gtXnk9PLwNs5gFUH8qkDhqrmTHCAEbI&h=AT1C6r4KX237Xs5Bhvi24uBvGF_VWHppJf6Rgvjt6TN2sPYDbQVo3fBg-NLiq73EcWQ9sgnwm8e_xy51DUBSRZZuKT_FEVKQWp_JQxvxdfaUA4YbQz0RAd3crZCNgbYMJdVOfQ

Dito naman ang part 2 kung saan sinamahan si Onofre magsampa ng kaso:

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: