Manila, Philippines – Nagsimula na ang mass testing ng lokal na pamahalaan ng Muntinlupa para sa coronavirus disease sa mga Persons Under Investigation (PUI).
Simula ng testing
Ayon kay Muntinlupa City Health Office Chief Dr. Teresa Tuliao, lima mula sa 180 PUIs ang unang sumalang at dinala sa field testing area ng Barangay Health Emergency Response Team at City Disaster Risk Reduction and Management Office para kolektahin ang swab samples.

Dagdag pa niya, ginagamit nila ang swab booths sa pasilidad ng Laguerta sa Tunasan para kolektahin ang mga samples galing sa mga PUI’s. Ito ay para mabawasan ang kanilang paglantad sa posibleng positibong pasyente na may COVID-19.
Samantala, gumagamit naman ng swab booths ang local health personnel sa Laguerta sa Barangay Tunasan para kolektahin ang samples upang mailayo sa hinihinalang COVID-19 patients ang PUIs.
Target ng gobyerno
Katuwang ng LGU ang Research Institute for Tropical Medicine para sa pagproseso ng swab samples at inaasahang lalabas ang resulta sa loob ng tatlo hanggang apat na araw.

Target ng City Government na sumailalim sa testing ang lahat ng 180 PUIs hanggang sa Biyernes, April 17.
Pagsasagawa
Ang mga kumpirmadong kaso ay irerehistro sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) para sa tulong medikal. Ang mga negatibo naman ay papauwiin na ngunit sasailalim parin sila sa 14 days self-quarantine.

Paliwanag ni Tuliao, inuuna nila ang mga residenteng nagpakita ng flu-like symptoms na posibleng tinamaan ng virus. Kapag nakumpirmang positibo ay agad dadalhin sa isang isolation site sa Ospital ng Muntinlupa.
Una nang nakatanggap ng 240 testing kits mula sa Department of Health ang lokal na pamahalaan para tumulong sa RITM.
Tulong mula sa LGU
Sinabi pa ni Mayor Jaime Fresnedi na mahalaga ang localized targeted mass testing para matukoy ang medical assistance na kailangan ng mga residente at anong mga hakbang ang dapat gawin ng LGU.

Nakipagtulungan din ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Muntinlupa sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Alabang para sa pagproseso ng mga swab samples.
Aniya, “Kailangan pa namin ng mas agresibong paraan para maagang malaman kung mayroong COVID-19 ang isang tao upang pigilan ang pagkalat ng nasabing virus.”

Dagdag pa ng alkalde,
“Itong localized targeted mass testing ay kailangan para malaman kung anong atensyong medikal ang ibibigay sa mga residente at malaman ang mga hakbang na iniimplementa ng lokal na pamahalaan.”
Samantala, ang mga barangay health workers ay patuloy na mino-monitor ang mga PUI at PUM sa mga komunidad.
Source: Manila Times
Be First to Comment