Press "Enter" to skip to content

Mystica Sinigawan At Pinagbantaan Ang Mga Awtoridad Na Nagdala Ng Subpoena

Ang dating aktres na si Mystica ay galit na galit sa mga awtoridad na nagdala ng isang subpoena sa kanyang bahay. Ang mga awtoridad ay walang habas nitong pinagsisigawan at nagawa pa nitong pagbantaan.

Ang pangyayari

Ang pangyayaring ito ay nakunan ng video at inupload sa isang social media Miyerkules ika-3 ng Hunyo, kung saan makikita ang tatlong barangay tanod na dala ang subpoena para sa nasabing aktres.

Ang Video- Viral Now
Photo Credit: Viralnow

Matapos utusang basahin ng mga tanod ang laman ng subpoena, ay agad nitong itinanong kung tungkol saan ang reklamo at nang sabihin na walang nabanggit ay agad itong nagdepensa at nagalit.

Aniya,

“Kung walang nakalagay dyan, so I don’t have any any reason para pumunta”

Ang nagreklamo

Habang pilit nitong itinatanog kung sino ang may reklamo sa nasabing subpoena ay bigla nitong itinuro ang kapitbahay na nakatayo sa harap mismo ng kanyang tirahan at pilit pang pinaamin ang mga tanod kung iyon ba ang nagreklamo.

Ang Nagreklamo- Viral Now
Photo Credit: Viralnow

Hindi naman sumagot ang mga ito sa paratang sa kanyang kapitbahay sa halip, pinakiusapan na lamang ito na pumunta sa kanilang barangay upang malaman kung tungkol saan ang nasabing reklamo, dito na tuluyang nagalit ang aktres na nagawa pang magyabang.

Aniya,

“Karapatan kong dumepensa, isa akong chairwoman ng isang citizen crime watch, isa rin ako na major ng NIPC New International Police Commission at isa rin ako media at host producer director ng Eurotv realtalk with Mystica.”

Ang pagbabanta

Walang nagawa ang mga tanod kaya nagtangkang umalis na lamang ang mga ito saka nagsimulang duru-duruin ang mga ito ng aktres. Sinabihan pang wala diumanong karapatang ang mga tanod na pumasok sa kanyang teritoryo at pinagbantaan pa nito na irereklamo ang mga ito dahil sa ginawang pagpasok sa kanyang property.

Ang Pagbabanta- Viral Now
Photo Credit: Viralnow

Sa ngayon ang video ay umaani ng iba’t-ibang pambabatikos sa nasabing aktres dahil sa kanyang inasal.

Narito ang nasabing video

MYSTICA MAY SUBPUENA…

Galit na galit si Mystica dahil nakapasok ang mga taga barangay sa compound na tinitirhan niya, kasi mayrun siyang subpuena…

Posted by Viral NOW on Tuesday, June 2, 2020

Para sa iba pang mga balita at impormasyon bisitahin ang Pinasbalita.org

Source: Viral Now

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: