Press "Enter" to skip to content

Naaksidenteng OFW, Insurance Nga Ba Ang Dahilan Kung Bakit Ayaw Siyang Asikasuhin Ng POLO?

Al Rass, Qassim Province, Saudi Arabia – Isang OFW umano ang dumulog dahil tila napabayaan na matapos maaksidente noong Oktubre. Siya ay ilang beses pinangakuan na papauwiin ngunit hanggang sa ngayon ay walang nangyayari.

Aksidente

Noong October 13 2019, habang papuntang Jeddah si Christopher Gamao Pacaldo sakay ng isang bus ay nakatulog umano ang drayber neto at sumalpok sa isang backhoe na siyang pagsimula ng sunog at pagsabog. Dumaan siya ng 6 major surgeries sa Prince Mohammad bin Abdulazis Hospital.

Naaksidenteng OFW, Insurance Nga Ba Ang Dahilan Kung Bakit Ayaw Siyang Asikasuhin Ng POLO? 2
Photo Credit: Facebook – Christopher Pacaldo

Isang mabutihing nars ang umanong nagreport tungkol sa kalagayan ni Pacaldo sa Philippine Overseas Labor Office o POLO. Isang Zandro Almendrala naman ang inatasan upang hawakan ang kaso niya.

Pangako

Inilapit ng mga kababayan sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno ang kalagayan ni Pacaldo ngunit sa kasamaang palad ay hindi umano siya inaasikaso. Pinagbibintangan din daw siya umano na siya mismo ang may ayaw umuwi upang maka-claim daw ng insurance. Lubhang ikinasasama ng loob ni Pacaldo ang paratang na ito.

Naaksidenteng OFW, Insurance Nga Ba Ang Dahilan Kung Bakit Ayaw Siyang Asikasuhin Ng POLO? 3
Photo Credit: Facebook – Christopher Pacaldo

Galit umanong sinabi ni Pacaldo na,

“Hindi po ako nag-hahabol sa insurance na makukuha ko dito. Buhay ko ang nakasalalay dito, hindi po buhay mo. Kaya pala matagal na ako dito kasi gusto niyo pang kunin ang insurance. Ang dami niyong alibi sa akin. Simula paglabas ko sa ospital sinabi ko na sa inyo na gusto ko na umuwi.”

Ito lang ang tanging rason na iniisip ni Pacaldo kung bakit ang kanyang mga daing ay hindi umano inaasikaso ng kanyang kumpanya. Maaaring ang kanyang insurance ang habol umano ng kumpanya niya o nang taong humahawak sa kanyang kaso kaya pinapatagal ang kanyang pagpapahinga at pagpapagamot.

Missing Officer

Hanggang sa ngayon ay hindi parin mahagilap si Almendrala upang i-follow-up ang kaso ni Pacaldo.

Naaksidenteng OFW, Insurance Nga Ba Ang Dahilan Kung Bakit Ayaw Siyang Asikasuhin Ng POLO? 4
Photo Credit: Facebook – Christopher Pacaldo

Dagdag ni Pacaldo,

“Sa apat na buwan ko sa ospital, dalawang beses lamang siyang bumisita.”

Noong mga unang buwan pagkatapos ng opera ni Pacaldo ay ninais umano ni Almendrala  na lumipat muna siya probinsya ng Al Rass habang nagpapagaling.

Dagdag pa niya,

“Nang tumanggi ako ay sinigawan pa ako.”

Naaksidenteng OFW, Insurance Nga Ba Ang Dahilan Kung Bakit Ayaw Siyang Asikasuhin Ng POLO? 5
Photo Credit: Facebook – Christopher Pacaldo

Ang nais lamang ni Pacaldo ay makauwi na sa Pilipinas at doon na lamang magpagaling kasama ang kanyang pamilya. Laking pasasalamat parin daw ni Pacaldo na sa kanyang pinagdadaanan ay may mga mabutihing kababayan parin ang tumutulong sa kanya.

Tunghayan ang buong kwento dito:

Posted by Christopher Pacaldo on Wednesday, June 24, 2020
Source: Facebook – Christopher Pacaldo

Source: Christopher Pacaldo

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: