Press "Enter" to skip to content

Nabahag Ang Buntot? Kontrobersyal Na Facebook Post Ni Angel Locsin, Binura Na!

Tila tinamaan ng malakas ang kampo ng Kapamilya actress na si Angel Locsin sa patutsyada ni GMA writer Suzette Doctolero sa kontrobersyal na post ng aktres. Ilang oras kasi matapos supalpalin ni Doctolero, ay binura na ng aktres ang post nito.

Dramarama ni Darna

Kilala bilang numero unong supporter ng ABS-CBN ang aktres na si Angel Locsin kung kaya ganun na lamang ang sama ng loob nito ng tuluyang ipasara at pagkaitan ng prangkisa ang kanyang network.

Nabahag Ang Buntot? Kontrobersyal Na Facebook Post Ni Angel Locsin, Binura Na! 2

Sa isang Facebook post, inalala ni Locsin ang naging pagtulong sa kanyang ng nasabing network noong panahong “walang-wala “ siya.

Ayon sa kanyang post, “Wala akong shares sa ABS-CBN, wala akong kontrata pero itong mga taong ‘to sila yung nagbigay ng trabaho sa akin, sila yung tumulong sa akin nung walang-wala ang pamilya ko.”

Pagsisinungaling

Hindi ito pinalampas ni Doctolero at sinabihan ang aktres na OA at liar ito. Ani Doctolero, ayos lang na ipaglaban ni Locsin ang ABS-CBN, subalit huwag naman sana itong magsinungaling tungkol sa estado ng buhay nito ng lumipat ito sa kabilang istasyon.

Nabahag Ang Buntot? Kontrobersyal Na Facebook Post Ni Angel Locsin, Binura Na! 3

Naiintindihan umano niya ang silakbo ng damdamin nito subalit huwag naman sanang maging OA sa pagdrama para lang makakuha ng simpatya at suporta para sa pinaglalaban niya.

Shares sa ABS-CBN

Sa isang hiwalay ng post, kinuwestyon din ni Doctolero ang pahayag nito na wala itong shares sa kompanya ng ABS-CBN. Pinakita nito ang larawan ng listahan ng mga stockholder ng nasabing kompanya at lumilitaw na ika-29 si Locsin sa may pinakamalaking share sa Kapamilya network.

Ani Doctolero, “Saka anong wala kang share? Ano ito?? Totoo ba ito o fake news? Tsk. Masisira ka yata sa mga padrama mo oy. Ayos na lumaban ka pero wag po sanang liar? Kung totoo man ito ha?

Buking

Kaya naman, ilang oras matapos mag trending ang pambabasag ni Doctolero sa drama ni Locsin ay binura na ang kanyang kontrobersyal na Facebook post. Hindi tuloy maiwasan isipin ng ilan na nasapul si Locsin sa mga pahayag ni Doctolero.

Nabahag Ang Buntot? Kontrobersyal Na Facebook Post Ni Angel Locsin, Binura Na! 4

Anila, baka kaya binura ay upang hindi malaman ng iba ng puro pakulo at drama lang ni Locsin ang mga pinaglalaban nila. Sabi naman ng ilang netizen, kaya galit na galit si Locsin ay dahil alam niyang hindi na siya makakabalik sa GMA kung sakali mang naisin nitong bumalik sa kanyang pinanggalingan network.

Source: Suzette Severo Doctolero

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: