Press "Enter" to skip to content

Nadine Lustre, Matalinong Sinagot Kung Bakit Wala Siya Sa Kapamilya Rally

Manila, Philippines – Dahil sa pagkastigo ni Angel Locsin sa mga talents ng Kapamilya network na nananatiling tahimik sa pagsasara ng ABS-CBN, nagbigay ng kani-kanilang pahayag naman ang mga artista. Mula kay Sarah G, Alessandra de Rossi, Jane De Leon at ngayon naman si Nadine Lustre.

Pakiisa ni Nadine

Nagpaliwanag at nag bigay naman ng maiksing statement si Nadine tungkol sa absence niya sa nasabing pagtitipon.

Nadine Lustre, Matalinong Sinagot Kung Bakit Wala Siya Sa Kapamilya Rally 2

Ani nito,

“Gaya ninyo Kapamilya din ako. Gaya ninyo, natatakot ako sa mga nangyayari. Gaya ninyo, nalungkot din ako para sa 11,000+ na taong nawalan ng trabaho. Gaya ninyo umiiyak ako para sa sariling bansa. Dahil gaya ninyo, Pilipino din ako.”

Positibong pakikibaka

Bagamat hindi siya nakikita sa mga rallies na ngyari sa malaking istasyon, pinapaabot niya naman sa Instagram account nito ang kaniyang pakikiisa sa mga ka-pamila sa laban na kinakaharap.

Nadine Lustre, Matalinong Sinagot Kung Bakit Wala Siya Sa Kapamilya Rally 3
Nadine Lustre, Matalinong Sinagot Kung Bakit Wala Siya Sa Kapamilya Rally 4

Sambit nito,

“Kasama ako sa laban na ito. Patuloy na tumutulong at nagdadasal sa kabila ng pagluluksa. Sana ay ibaling natin ang atensyon natin sa mga bagay na nararapat na pagtuunan ng pansin. Pakiusap, wag tayo mag-away away at maghati. Wala na tayong oras.”

Pagharap sa kasalukuyan

Hirit pa ni Nadine, nananatiling suportado niya ang ABS-CBN sa laban nito at malaki ang utang na loob niya sa istasyon sa pagbibigay sa kanya ng mga shows na nagpasikat sa kanya. Katunayan, may nakatakda sana siyang gawing teleserye sa naturang network kung hindi lang dahil sa pandemya at sa pagsasara nito.

Nadine Lustre, Matalinong Sinagot Kung Bakit Wala Siya Sa Kapamilya Rally 5
Nadine Lustre, Matalinong Sinagot Kung Bakit Wala Siya Sa Kapamilya Rally 6
Nadine Lustre, Matalinong Sinagot Kung Bakit Wala Siya Sa Kapamilya Rally 7
Nadine Lustre, Matalinong Sinagot Kung Bakit Wala Siya Sa Kapamilya Rally 8

Matatandaan na 70/11 ang bomoto na ipasara ang ABS-CBN para tapusin na ang pag ere ng istasyon. Marami naman amg nagpa-abot ng suporta at pag hanga sa ginawang pananahimik ni Nadine ngunit matapang na bumira sa lahat ng kumikwestyon sa kaniya.

Source: Manila Bulletin

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: