Press "Enter" to skip to content

Nag Rereklamong Battered Husband Naka Tulugan Ni Idol

Last updated on March 18, 2020

Isang lalaki ang nagreklamo sa tanggapan ni Raffy Tulfo dahil umano sa sobrang pananakit sa kanya ng asawa. Ganadong ganado ang complainant sa pag kwento ng mga pangyayari kung kaya hindi na makasingit si idol Raffy. Sa sobrang haba ng kanyang detalye ay hindi na maiwasang maka idlip ni idol.

Di maawat

Isang lalaki na nagpakilalang si Mohammad Bacarat ang dumulog sa tanggapan ni idol Raffy upang ireklamo ang kanyang asawa na sobra umano kung manakit. Sa sobrang sama yata ng loob ay bumuhos na ang lahat ng kanyang hinanakit ng at halos di na makasingit ng komento si idol. Nang ipakilala siya ni idol ay doon na nag simulang mag kwento ang si Bacarat. Laughtrip ang naging interview dahil halos ayaw na niyang pagsalitain si idol.

Nag Rereklamong Battered Husband Naka Tulugan Ni Idol 2

Ilang beses nagtangkang magsalita ni idol ngunit hindi siya binibigyan ng pagkakataon ni Bacarat dahil hindi pa daw siya tapos magkwento. Pilit sumisingit si idol pero dire diretso ito sa pagsalita. Halatang pigil ang pagtawa ni idol sa kakulitan ni Bacarat na noon lang yata nabigyan ng pagkakataong magsalita kung kaya walang makapigil sa kanya.

Idlip

Dahil hindi maawat si Bacarat, nainip na si idol at nag inat inat na ng katawan. Maya maya pa ay nag astang umidlip na si idol  na naging sanhi ng katatawanan sa studio. Nang magkaroon ng pagkakataon na sumingit ay pinagsalita na ni idol ang asawa ni Bacarat na si Naphisa Bacarat ngunit sinabihan na niya ito na huwag masyadong pakahabaan ang kwento tulad ng ginawa ni Mohammad. 

Nag Rereklamong Battered Husband Naka Tulugan Ni Idol 3

Itinanggi ni Naphisa ang akusasyon ni Mohammad at ibinalik sa kanya ang reklamo. Aniya, si Mohammad ang tunay na nananakit at hindi siya at baliw umano si Mohammad. Mariin itanggi naman ni Mohammad ang sinabi ng asawa at nanumpa pa ito na totoo ang lahat ng kanyang sinasabi. May pagtaas pa ng kaliwang kamay si Mohammad na ikinatawa ni idol. Nagpakita pa siya ng bakas ng pananakit sa kanyang katawan.

Tuloy ang kulit

Nang itanong ni idol kung ano ang gusto niyang mangyari ay bahala na daw si idol. Sinabihan siya na dapat siya ang magsabi kung ano ang nais niya talagang mangyari. Sa sobrang katuwaan ni idol, lumapit pa talaga siya kay idol at bumulong. Aniya gusto niyang panagutin si misis sa kanyang ginawa.

Bilang solusyon, sinabihan siya ni idol na paghaharapin sa barangay upang magkaalaman kung sino ang nagsasabi ng totoo. Subalit, hindi pa rin maawat si Mohammad sa pagsalita kung kaya naman binulungan na siya ni idol na sa labas na ng studio ituloy ang sinasabi dahil kapos na sila sa oras at marami pa ang nakapilang complainant. Hanggang sa labas ng studio ay tuloy tuloy pa rin ang kanyang kwento na siyang ikinatawa pa ng mga manonood.

Panoorin dito ang nakakatawang interview kay Mohammad:

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: