Nagbabalik na sa mga pamilihan ang Reno Liver Spread matapos itong ipullout sa merkado noong nakaraang buwan. Naging viral sa social media ang anunsyo ng Food and Drug Administration ukol sa kawalan ng rehistro ng nasabing canned good.
Balik pamilihan
Nakapagsecure na ng product registration ang Reno liver spread ayon sa FDA. Kinumpirma ito ngayong araw ni FDA Director Eric Domingo sa GMA News Online. Aniya,

“Yes, they [Reno liver spread] have a CPR (certificate of product registration),”
Ang pagkakaroon ng CPR ng nasabing produkto ang syang hudyat na maaari na itong ibalik sa lahat ng pamilihan. Noong nakaraang buwan, September 16 ay inanunsyo ng FDA sa publiko na hindi ligtas kainin ang Reno liver spread dahil hindi pa ito dumadaan sa evaluation. Ayon sa ahensya, hindi nakapagsecure ng CPR ang manufacturer.
Proseso
Dagdag pa ng FDA, maraming pinagdadaanang proseso ang isang produkto bago pa ito ilabas sa merkado. Pagbibigay halimbawa nito,
“The first is the License-to- Operate (LTO) which is an authorization granted to manufacturers, repackers, importers, distributors, wholesalers, traders who passed FDA guidelines such as Good Manufacturing Practices.”
Lisensya
Ayon sa FDA, ang Reno ay may existing license to operate bilang repacker. Ngunit noong 2017, nagrequest ito na idagdag sa kanilang license to operate ang pagiging manufacturer ng meat products. Nagrant naman ang request ng kumpanya na mapabilang bilang manufacturer ng meat products.
Pagsusuri
Ang pagsusuri na isinasagawa ng FDA para sa CPR ng isang produkto ay pagsigurado kung ligtas at .ay kalidad ba ito. At kung kumpleto ba ito sa mga papeles, at pasado ba ito sa guidelines at standards. Ang pagkuha ng CPR ay isa sa mga basic requirements ng ahensya simula pa noong 2009.
Ikinatuwa
Ikinatuwa ng mga netizens ang balitang ibabalik na sa merkado ang Reno liver spread. Ilang dekada na ang nakararaan pero isa pa rin ito sa mga paboritong agahan o meryenda ng nakararaming Pilipino.
Source: GMA News Online
Be First to Comment