Press "Enter" to skip to content

Naghihirap Na? Alessandra De Rossi, P18,000 Na Lang Ang Laman Ng Bank Account

Ibinunyag ng aktres na si Alessandra de Rossi na dumaranas siya ngayon ng pagsubok sa aspetong pinansyal. Sa katunayan, P18,000 nalang ng laman ng kanyang bank account kung kaya malapit na itong ma bankrupt

Prangka at palaban

Kilala si Alessandra sa pagiging palaban at prangka kahit na anong pagsubok man ang dumating sa kanya. Subalit ngayon, sa kanyang interview sa ‘Usapang Real Life with Luchi Cruz-Valdez’, inamin niya na ito ang unang beses sa buhay niya na hindi niya alam ang sagot sa mga tanong na bumabagabag sa kanya.

Naghihirap Na? Alessandra De Rossi, P18,000 Na Lang Ang Laman Ng Bank Account 2

Kwento ni Alessandra, bago pa mag lockdown ay na umabot ng 6 na shows at 3 pelikula ang kanyang tinanggihan. Ito ay dahil sa ang mga ito ay may “pangit na mensahe”. Nabanggit din niya minsan na kaya hindi siya masyadong lumalabas ngayon sa showbiz ay dahil sa “choosy” siya sa mga proyektong tatanggapin.

Malapit ng ma bankrupt

Dahil sa pagputok ng pandemic, mas lalong naging mahigpit si Alessandra at hindi na muna tumatanggap na proyekto dahil mahirap ng mahawahan ng sakit. Ito ang naging simula ng pagbagsak ng pinansyal na estado ng aktres. Sa katunayan, umabot pa siya sa puntong ibinebenta na niya ang isa sa kanyang mga kotse para lang makaraos sa mga gastusin.

Naghihirap Na? Alessandra De Rossi, P18,000 Na Lang Ang Laman Ng Bank Account 3

Aniya, “Of course, financially, walang pumapasok. ‘Yung bank account ko right now is pa bankrupt na. I only have P18,000 in my account,”

Dagdag pa niya, sumabay pa sa krisis ang pagkakasakit ng kanyang ama na nasa Italya kung kaya lubos siyang nag-aalala dito. Paglilinaw naman niya, ang sakit ng ama ay walang kinalaman sa COVID-19.

“At the same time, sabay-sabay naoospital ang mga tao for many reasons. My father was hospitalized lately. Naka-tatlong operations na siya.”

Laban Alessandra

Dahil sa sunod-sunod na pagsubok, aminado si Alessandra na nahihirapan siyang iraos ito ngayon. Hindi na niya alam ang magiging solusyon sa mga problema na dumarating.

Naghihirap Na? Alessandra De Rossi, P18,000 Na Lang Ang Laman Ng Bank Account 4

“Kasi, ako si ‘Miss O, Anong Problema? Okay let’s fix this. Okay gagawa tayo ng paraan. What if ganito, what if ganyan? What if ganyan?

Ngunit dahil kilala ng lahat si Alessandra bilang palaban at positibong tao, tiwala ang kanyang mga fans na malalampasan din nito ang kasalukuyang pinagdaraanan.

Source: Definitely Filipino

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: