Press "Enter" to skip to content

Nagwawagi Na Ang Australia Laban Sa COVID-19, Kelan Kaya Ang Pinas?

Sa gitna ng pakikipaglaban ng buong mundo sa nakakamatay na COVID-19 virus, masayang ibinalita ng‌ Australia na sa apat na states nila ay walang naidagdag na affected. Sa kabila nito, hindi pa daw ililift ng gobyerno nila ang lockdown.

Walang new cases

Nitong Lunes ang unang araw na walang naitalang new COVID‌ case sa Queensland,‌ Australia. Ang pinakaapektadong state naman nila na New South‌Wales kung saan may naitalang 2,963 infections ay wala ding bagong case noong Lunes.

Nagwawagi Na Ang Australia Laban Sa COVID-19, Kelan Kaya Ang Pinas? 2

Tig-isang case naman ang naitala sa Australian Capital Territory at Victoria. Samantalang wala din sa South Australia, Northern Territory, at Western Australia.

Lima naman ang naitala sa Tasmania, na kinabibilangan ng mga health workers.

Malapit nang mawala

Sa kabuuan, may bilang na 6,623 cases ang Australia simula March 9. Kung saan, lagpas 4200 dito ay magagaling na. Ibig sabihin lapas 2000 nalang ang apektado sa buong Australia.

Nagwawagi Na Ang Australia Laban Sa COVID-19, Kelan Kaya Ang Pinas? 3

Sa kabuuan, meron lamang 71 na naitalang patay ang buong bansa nila.

Kailan ang Pinas?

Kung titingnan ang dahilan kung bakit nagawa ng Australia, mamamangha kayo kung gaano nila siniseryoso ang lockdown at restrictions nila.

Ayons sa survey na isinagawa doon, 98% sakanila ang sumusunod ng maayos sa utos na social distancing. Samatalang 88% naman ang talagang sineseryoso ang lockdown.

87% naman sa mga Australyano ay nagkansela ng kanilang mga social gatherings sunod sa restrictions at lockdown.

Ibig sabihin, maliit na porsyento lang ang hindi sumusunod. Ang mga pasaway ay minumiltahan ng hanggang $1600.

Two years pa?

Sa kabila ng tagumpay ng Australia laban sa COVID-19, iminungkahi ng mga infectious disease experts na kahit na mai-lift paunti-unti ang mga restrictions sa Australia bawat buwan ay maaari parin lumagpas hanggang 2 years bago pa tuluyang bumalik sa dati ang buhay doon.

Yun ay kung may vaccine na sa panahon na yun after two years.

Kung 2 years pa para sa Australia kahit pawala na ang cases nila, paano pa kaya sa Pinas?

Source: Mail Online

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: