Press "Enter" to skip to content

Nakaka-Turn Off! DJ Loonyo Na-Bash Sa Pagbibigay Ng Maling Impormasyon Ukol Sa Mass Testing

Laman ngayon ng social media ang video clip kung saan binabash si DJ Loonyo dahil sa maling pagaakala niya na ibig sabihin ng mass testing sa COVID.

Video Clip

Sa nasabing video clip, makikita na may isang interview video kung saan inimbitahan ni #MrMainit si DJ Loonyo para magbigay ng kanyang saloobin ukol sa virus na kinakaharap ng buong mundo ngayon.

Nakaka-Turn Off! DJ Loonyo Na-Bash Sa Pagbibigay Ng Maling Impormasyon Ukol Sa Mass Testing 2

Putol na sa limang minuto ang viral video. Sa video, nagagalit si Loonyo dahil ang mass testing daw ay gagawing guinea pig ang mga tao at susubukan sa marami ang lunas, at titingnan lang kung kanino tatalab.

Walang Lunas

Alam naman nating lahat na wala pang lunas ang COVID-19. Tinatantya ng mga eksperto na by next year pa o sa 2021 magkakaroon kung makakaimbento man ng lunas para dito.

Nakaka-Turn Off! DJ Loonyo Na-Bash Sa Pagbibigay Ng Maling Impormasyon Ukol Sa Mass Testing 3

Si #MrMainit naman ay tila nalito din sa sagot ni Loonyo kaya inulit pa niya ang tanong. Ano ba ang pagkakaintindi daw ni Loonyo sa Mass Testing. Dito nga sinabi ni Loonyo na susubukan ang lunas sa maraming tao tapos bahala na kung kanino tatalab.

Dapat bang idolohin?

Si DJ Loonyo ay iniidolo ngayon ng maraming kabataan dahil sa husay niyang sumayaw. Marami itong followers na nakaabang sa mga videos at content na ilalabas niya.

Nakaka-Turn Off! DJ Loonyo Na-Bash Sa Pagbibigay Ng Maling Impormasyon Ukol Sa Mass Testing 4

Subalit sa mga panahon na ganito, pinaglalaban ng netizens sa comments na kung sikat ka, sana mas maging responsable ka sa mga impormasyon na ilalabas mo.

Mass Testing

Ang mass testing ay ang pagsasagawa ng swab testing sa maraming tao bawat lugar sa bansa. Ito ay para malaman na agad kung sino ang mga positive at para mailagay na sa quarantine facility ang mga ito at hindi na makapanghawa ng tao.

Hindi ito pagsubok ng isang lunas sa maraming tao tulad ng paniniwala ni DJ Loonyo.

SOBRANG ALARMING NITO DJ LOONYO NAKAKALOKA HAHAHA. I'M SO DISAPPOINTED. FOR A PUBLIC FIGURE HA. WALA E, MINSAN LANG TALAGA, KAPAG ANG ISANG TAO NAGSALITA NA, IT DESTROYS THE FANTASY. Doon mo sila makikilala. Iyong depth. Iyong substance. Iyong sense. Lahat ng kilig ko sa video niya nawala hahahaa.I NEVER CRINGED SO MUCH OVER AN IGNORANCE LIKE I DID WHILE WATCHING THIS CLIP.Literal akong sumisigaw ng 'PINAGSASASABI MO?!' Hahahaha iba 'to. Nasa ibang dimensyon pag iisip ni Sir. Ang hirap tapusin nu'ng video. I was even hoping na issa prank hahaha. As in pinagtiyagaan ko siya pakinggan hoping na may redemption sa dulo or at least iyong kausap niya e icocorect siya. But much to my surprise, parehas silang walang proper knowledge kung ano ang COVID Testing, Rapid Testing and most importantly, Mass Testing. In almost 3 months of quarantine, almost half a year our world is battling this pandemic, may katulad ni DJ Loonyo who has a very wide audience and has an access to the internet, na hindi alam kung ano na ang nangyayari at kung ano ang mass testing. Mas malala 'to sa confusion ni Harry Roque guys. And God knows, ilang tao pa iyong katulad niya ng paniniwalaHopefully his followers or friends reach out to him and give him a crash course about COVID19. Naiintindihan ko iyong concern niya about being a 'guinea pig' for clinical trial but you know it's completely different hahahaha sobrang nakakastress hahaha. And he was so sure sa sinasabi niya while vaping. I cant. I just can't. Let us educate one another mga kakosa. Do not let this kind of assumption slide. RESEARCH. Nakamamatay ang virus pero mas nakamamatay ang maling impormasyon.Kaya Kids, mag aral kayo maigi. Mabuti. Masipag. Never stop learning. Laging may lamang ang may alam. 2020 na at nagkakapandemic na, hindi pwedeng puro pagwapo paganda pacute lang #KeplerLoonyo

Posted by Inah Evans on Tuesday, June 2, 2020

Source: Inah Evans

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: