Manila, Philippines – Kinompirma ni Mayor Edgardo Labella sa kanyang panayam na dumarami ang bilang ng preso sa Cebu City Jail na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Pagkabahala ng Alkalde
Ayon sa Facebook page ng alkalde, kanyang binalita ang pagtaas ng mga kumpirmadong kaso sa loob ng kulungan. Batay sa kanyang post, kasalukuyan umabot na sa 207 ang kabuuhang total ng mga nag positibo matapos 63 na mga person deprived of liberty (PDL) ang nadagdag sa kumpirmadong kaso.

Dagdag pa niya na nasa 354 na ang kinolektang samples sa city jail para ma-test sa Covid-19. Aniya ito’y lubhang nakakabahala at delikado para sa pasilidad lalo’t nasa 6,000 ang inmate sa nasabing piitan.
Ginawang aksyon
Samantala, inutos na ng Cebu City Jail ang pag isolate sa mga infected na indibwal. Nagsasagawa na rin ng karapatang contact tracing para sa mga nakasalamuha ng mga pasyente sa loob ng nasabing piitan.

Matatandaan na nito lamang linggo ay may naitalang report mula sa public information office ng lungsod na may isinugod sa Vicente Sotto Memorial Medical Center (VSMMC). Ito’y matapos umanong nakaranas ng pagkahilo at pamamaga ang 24-anyos na tinaguriang person deprived of liberty (PDL).
Hawaan sa loob ng selda
Di naman maikala ni Labella na siksikan ang mga preso sa loob ng piitan. Dagdag pa niya na mahigpit na nakikipag-ugnayan ang Cebu City Health Department sa Bureau of Jail Management & Penology (BJMP) para sa pag-adopt ng immediate measures upang mapigilan ang pagdami pa ng kaso sa pasilidad.

Samantala, tuloy din aniya ang isinasagawang contact tracing, testing at confinement protocols ng CCHD sa Cebu City Jail. Sa kabuuan, may 411 kaso na ng COVID-19 sa lungsod, pinakamataas umanong bilang sa Central Visayas.
Pataas na bilang ng kaso sa Cebu
Ayon pa kay Labella, tumaas umano ang mga nasabing bilang ng kaso sa lungsod dahil sa sinasagawang mass testing. Karamihan sa mga nag positibo ay mga asymptomatic o hindi umano nagpapakita ng sintomas.

Gayunman, nanawagan ang alkalde na sumunod ang mga nasasakupan sa pinapatupad na Enhance Community Quarantine (ECQ) ng sa gayon maiwasan ang mag dami ng kaso ng Covid-19 sa lugar.

Sa kasalukuyan ay hinayag ng alkalde ang pag papalawig sa enhance community quarantine (ECQ) hanggang May 15 dahil sa rekomendasyon ng mga awtoridad. Gayunman, kung magiging mabuti umano ang kondisyon ng at ebalwasyon sa lugar ay maaari umanong alisin ang ECQ.
Source:CNN Philippines
Be First to Comment