Press "Enter" to skip to content

Nakakabilib Na Malasakit Ni Yorme Sa Manilenyo Kahit Sa Likod Ng Camera Ipinasilip

Pinangunahan ni Manila City Mayor Isko “Yorme” Moreno ang paglulunsad sa lungsod ng Maynila ng COVID-19 Health Survey and Educational Campaign kasama ang iba pang empleyado ng City Hall.

Ganito kami sa Maynila

Trending ngayon sa social media ang isang post na ito na may larawan kung saan makikita si Yorme na tila bagong gising. Naka-shorts at tsinelas lamang ito habang nagtatrabaho kasama ang iba pang empleyado ng City Hall.

Ang larawang ito ay kuha ilang oras matapos ang kanilang live broadcast para sakanilang inilunsad na “COVID-19 health survey and educational campaign”.

Nakakahiyang maging tamad

Sa isang post na ito ni Cessy Garcia, ipinagmalaki niya kung gaano kasipag ang kanilang boss na si Yorme. Ayon pa sakanya, si Yorme mismo ang nag-disenyo ng acetate face shield na ito. Si Yorme din daw mismo ang nagpakita at nagturo sakanila kung paano ito gagamitin.

Dagdag pa ni Cessy, sa City Hall na umano sila natutulog upang tapusin ito . Ngunit sa kabila ng pagod at puyat sinabi ni Cessy na hindi nila naisip maging tamad dahil sa kasipagan na ipinapakita si Yorme sakanila.

He personally demonstrated to the staff how to assemble the acetate face shield that he, himself, designed.

Sa City Hall kami natutulog since Day 1 but we are so motivated because we see how Mayor Isko works. Nakakahiyang maging tamad kung ganito kasipag ang boss mo tapos out of nowhere na susulpot sa office mo to check ang progress ng work and kumustahin ang mga staff

Sakripisyo

Matinding sakripisyo naman ito para sa mga empleyado ng City Hall ng Maynila. Lalo na’t bukod sa pagod at puyat, matagal din nilang hindi nakasama ang kanilang mga pamilya para lang maging matagumpay ang proyekto na ito.

All you see during live broadcasts are updates but what you can’t see are the sleepless nights, constant running, endless meetings, and the sacrifice of not being with our families. (Miss you, Mama! )

Tulong-tulong tayo

Nilinaw din naman ni Cessy na ang kaniyang pag-post ay hindi para magreklamo. Ayon sakaniya ang kanilang pakikipag-laban sa coronavirus ay ang kanilang paraan upang maprotektahan din ang kanilang pamilya laban dito.

Masaya umano sila na maging parte ng isang gobyerno na taos-puso ang pag-tulong sa mga tao.

Sinabi rin ni Cessy sa kanyang post na 24/7 ang gobyerno ng Maynila. At sa pagtutulungan ay makakayanan nilang labanan ang COVID-19

Salamat

Papuri at pasasalamat naman ang ipinahatid ng mga netizen sa mga tulong na ibinibigay ng gobyerno ng Maynila kasama na rin ang mga empleyado nito. Hiling din nila ang kaligtasan at kalusugan ng bawat isa.

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: