Press "Enter" to skip to content

Nakakakilabot! Iyak Ng Isang Multo, Narinig Sa Isang Facebook Live

Ginulatang ang buong social media ng nakakapangilabot na iyak na isang multo sa isang facebook live ng isang reporter. Iyak na tila ba hirap na hirap ang umagaw sa atensyon at nagpataas ng balahibo ng mga netizen.

Panaghoy sa terminal

Simula ng ipinatupad ang Enhanced Community Quarantine o ECQ sa buong bansa, halos lahat ng pampublikong sasakyan ay natigil ang pamamasada. Kaya naman tila mga haunted na lugar ang mga terminal dahil sa kawalan ng operasyon ng mga sasakyan.

Nakakakilabot! Iyak Ng Isang Multo, Narinig Sa Isang Facebook Live 2

Isa sa mga naapektuhan ay ang pinakamalaking terminal ng bus sa Davao. Ilang araw matapos ideklara ang lockdown, naisipan ng isang radio reporter na si Ray Francis Villarias na ibalita sa pamamagitan ng facebook live ang sitwasyon sa nasabing bus terminal.

Dalawang multo

Sa kalagitnaan ng kanyang pag rereport, may napansin ang mga nanonood. Maririnig kasi ang tila panaghoy ng isang babae na ume-echo habang siya ay nagsasalita. Nakakapanindig balahibo ang boses na siyang nagbigay na nakakatakot na pakiramdam sa mga manonood.

Nakakakilabot! Iyak Ng Isang Multo, Narinig Sa Isang Facebook Live 3

Ilan sandali pa at may tila naman tunog ng pambatang musika ang sumasabay sa kanyang pagsasalita. Paglilinaw ni Rey, walang ibang tao na naroroon ng panahon na iyon kundi siya lamang. Wala din siya kasama sa pagkuha ng video kung kaya walang pwedeng mag patugtog ng tunog.

Nakakakilabot! Iyak Ng Isang Multo, Narinig Sa Isang Facebook Live 4

Wala din umano siyang narinig o nakita na kakaiba dahil may suot siyang earplug. Ngunit pagtapak palang niya sa terminal , meron na siyang naramdaman na kakaiba.

Testimonya ng mga naroroon

Ayon sa ilang mga residente, matagal ng mayroong nagpaparamdam sa terminal na iyon. Ayon sa bus controller na si Florigle Montermoso, isang kasamahan niya ang binangungot matapos matulog sa terminal na iyon.

Nakakakilabot! Iyak Ng Isang Multo, Narinig Sa Isang Facebook Live 5

Kwento naman ni Ian Tyron Sabanal na naging pasahero, nagulat na lamang umano siya ng biglang gumalaw ang steering wheel ng sasakyan kahit wala naman tao. Paniniwala nila, espirito ng mga namatay roon ang may kagagawan.

Komento ng mga eksperto

Ayon sa isang paranormal expert, hindi malayong pamugaran nga ng mga ligaw na kaluluwa ang terminal lalo at malapit ito sa isang ilog. Portal o lagusan umano ito ng mga espiritu. Marami na rin namatay dito ng minsan na itong pinasabugan ng bomba. Kung kaya naman, maaaring isa sa mga ito ang may ari ng boses.

Nakakakilabot! Iyak Ng Isang Multo, Narinig Sa Isang Facebook Live 6

Batay naman sa pag oorserba ng isang video expert, maaaring edited ito dahil kahit naman sa Facebook live, pwedeng mag singit ng ibang tunog.

Nakakakilabot! Iyak Ng Isang Multo, Narinig Sa Isang Facebook Live 7
BOSES NG BABAENG UMIIYAK SA BAKANTENG BUS TERMINAL, NA-RECORD SA FACEBOOK LIVE?!

BOSES NG BABAENG UMIIYAK SA BAKANTENG BUS TERMINAL, NA-RECORD SA FACEBOOK LIVE?!Habang nagfe-Facebook Live ang isang radio reporter tungkol sa pagsasara ng bus terminal sa Davao dahil sa lockdown, may napansing kakaiba ang mga manonood! Isang babae ang tila umiiyak… kahit wala namang ibang tao?! Panoorin ang video!

Posted by Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho) on Sunday, May 17, 2020

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho (One At Heart, Jessica Soho)

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: