Press "Enter" to skip to content

Nakakakulo Ng Dugo! Inambangan Ng Mga Tambay Ang Isang Magasawang Mamamalengke Lang Sana

Mamamalengke lang sana ang isang magasawang sakay ng motor ng ambangan sila ng mga tambay na pinagbibintangan silang nambato sa mga ito.

Viral video

Nagviral ang video na kinunan ng isang residente ng patago kung saan makikita ang magasawa na lulan ng motor at hinarangan ng mga tambay. Nagsisisigaw at nagmamakaawa ang babae na mamalengke lang daw sila. Naghahanap buhay sila at wag sana sila pagtripan.

Nakakakulo Ng Dugo! Inambangan Ng Mga Tambay Ang Isang Magasawang Mamamalengke Lang Sana 2

Maririnig din umano sa video na nagbabanta ang lalaking tambay. Mangingilala daw dapat ang magasawa. Ibig nito sabihin marahil ay kilalanin siya bilang ginagalang dapat na tambay na matapang lamang dahil marami sila.

Pambabato

Maririnig din sa video na may sinabi itong nangbato daw sakanila. Pinabulaanan naman ng magasawa na hindi sila yun. Maririnig din ang lalaki na nagsasabi na ang bumato sa mga tambay ay yung mga bata na nauna sakanila.

Nakakakulo Ng Dugo! Inambangan Ng Mga Tambay Ang Isang Magasawang Mamamalengke Lang Sana 3

Kahit na ilan beses na nagpaliwanag, hindi parin agad pinakawalan ng mga tambay ang magasawa. Nakailang ulit na rin na pagmamakaawa ang babae pero wala parin pake ang mga tambay. Umabot pa sa punto na muntik na magkasakitan.

Kalaunan, pinakawalan na din ang magasawa at pinayagan na makalagpas.

Pagtawag ng pulis

Ang nagvivideo naman ay maririnig na nagpapatawag ng pulis sa kasama niya. Ngunit hindi ito makatawag dahil walang telepono na magagamit.

Hindi naman maitigil ang pagkuha sa video dahil ito na lamang daw ang ebidensya na maipapakita nila sa otoridad.

Galit ng netizens

Puno namajn ng galit at pagkagigil ang comment section ng video dahil sa galit nila sa mga tambay. Ayon sa ibang netizens matatapang lang naman daw ang mga ito dahil marami sila. Sana daw ay may matyempuhan na tatahimik lang pero kayang tumapat sakanila upang maturuan sila ng leksyon.

Mga tambay tinambangan ang mag asawang nakamotor na mamalengke lang sana

Posted by Pasikatan on Tuesday, June 2, 2020

Source: Pasikatan

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: