Press "Enter" to skip to content

Nakakapiga Ng Pusong Litrato Ng Isang Pulis Na Hanggang Tingin Lang Sa Anak Niya

Para mapangalagaan ang kanyang pamilya laban sa pagkalat ng corona virus disease (COVID-19), pansamantalang tumira sa tent sa labas ng kanilang bahay ang isang pulis.

Sakripisyo

Nag-viral ang litrato ng isang pulis na kumakain sa labas ng kanilang bahay habang nakatingin sa kanyang anak na nakasilip sa kabila ng screen door.

Nakakapiga Ng Pusong Litrato Ng Isang Pulis Na Hanggang Tingin Lang Sa Anak Niya 2
Credits to Lt. Honey Labaro on Facebook

Nagtayo lamang sya ng tent sa labas para duon pansamantalang tumuloy habang nasa self-quarantine. Hindi sya pumapasok sa kanilang bahay bilang pag-iingat dahil sa kanyang trabaho.

Tapat sa tungkulin

Ang police officer na nasa litrato ay si Lt. Honey Labaro. Siya ay naka-destino sa Iloilo para tulungan ang mga kapulisan na nakadestino sa mga presinto at boarders doon.

Isa pa rin itong hakbang ng gobyerno upang mapigilan ang paglaganap ng coronavirus disease (COVID-19).

Panawagan

Kinailangan nyang mag-byahe pauwi ng Bacolod, Negros Occidenta mula sa Iloilo upang makapiling ang kanyang pamilya.

Ito ang dahilan kung kaya’t boluntaryo syang sumailalim sa self-quarantine.

“I keep my distance from my family because I’m afraid I may be a carrier too. So, please stay at home so that this pandemic will not last long. Because like you, we also love to go out with our family.”

Stay at home

Ayon kay Lt. Labaro, pinahintulutan nya ang pag-post ng kanyang litrato sa social media upang mahikayat din ang iba na manatili na lamang sa kanilang mga bahay.

Nakakapiga Ng Pusong Litrato Ng Isang Pulis Na Hanggang Tingin Lang Sa Anak Niya 3
Credits to Jonathan Sulit

Ito ay habang ang gobyerno at mga frontliners ay patuloy na lumalaban upang mapigilan ang paglaganap ng COVID-19 pandemic.

A police officer is eating outside their house while his daughter was staring at him from inside. He made a tent outside…

Posted by DDS Warriors on Thursday, March 26, 2020

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: