Kinakailangan ng mahigit 2,000 pamilya sa Barangay 105, Happy Land Tondo, Maynila, ng tulong matapos na sila ay masunugan noong sabado, ika-18 ng abril.
Tulong
Nang dahil sa sinapit ng mga residente sa naturang lugar, sila ngayon ang nananawagan na mabigyan ng tulong habang unti-unti silang bumabangon. Sa isang post sa Facebook Page ng Barangay 105, Z8, District 1, Tondo, Manila, sinabi nila na sila ay kumakatok sa puso ng lahat na matulungan ang bawat pamilya na nasunugan.

Ang mga kinakailangan umano nila ay:
- Pagkain (canned goods, noodles, kape, gatas, etc.)
- Damit (malaking bagay na po ang lumang damit)
- Banig at kumot
- Tent (nais po naming manghiram)
- Gamit pangluto (ilan po ito sa mga naiwan at nasunog)
- Mask (kahit papaano ay maiwasan ang COVID)
- Personal items (toothbrush, toothpaste, etc.)
- Emotional support (bible sharing, counseling, entertainment para sa mga bata o matanda)

Ang mga nais tumulong ay maaaring direktang pumunta sa mga evacuation centers gaya ng Brgy.105 Basketball Court, Amado V. Hernandez Elementary School, Vicente Lim Elementary School at Temporary Housing Bldg. 2.

Para naman sa iba pang mga detalye ng pagbibigay ng donasyon, maaari din na kontakin ang pamunuan ng Barangay 105 at mangagagawa ng DSWD sa mga nabanggit na evacuation centers.
Social distancing
Sa dami naman umano ng mga nasunugan, hindi na nila maisakatuparan ang social distancing. Kinailangan din na hatiin sila sa apat na evacuation centers. Namigay na rin ang kanilang barangay ng mga facemask ngunit hindi ito sapat sa dami ng kailangang mabigyan.
Panalangin
Ayon din sa post, batid nila na magiging mahirap ang pagbibigay ng tulong habang umiiiral ang enhanced community quarantine. Kung kaya’t malaking tulong rin umano sakanila ang panalagin para sa mental at pisikal na kalusugan maging ang kaligtasan ng bawat isa sa mga evacuation centers
Source: Facebook
[…] Nakalockdown Na Nasunugan Pa – Mga Residente Kumakatok Ng TulongBy Rome BadionKinakailangan ng mahigit 2,000 pamilya sa Barangay 105, Happy Land Tondo, Maynila, ng tulong matapos na sila ay masunugan noong sabado, ika-18 ng abril. Tulong… Leave a Comment […]