Press "Enter" to skip to content

Nakikielam Daw? Nanay Na Concern Lang Ipina Tulfo Ng Kanyang Anak!

Isang ina ang ipina-tulfo ng kaniyang anak, matapos umanong mangialam sa buhay pakikipag relasyon nito.

Ang pag mamahal ng ina

Hindi matatawaran ang pag mamahal ng mga magulang sa kaniyang anak. Kahit pa nga ito’y may mga kaniya kaniyang buhay na, may mga magulang parin na patuloy na handang umalalay at gumabay sa kanilang ng anak hanggang sa abot ng kanilang makakaya.

Nakikielam Daw? Nanay Na Concern Lang Ipina Tulfo Ng Kanyang Anak! 2
Photo Credit: Raffy Tulfo In Action

Ngunit hindi ito gusto ng isang anak na complainant, ipina-tulfo niya ang kaniyang ina dahil sa pakikialam nito sa kaniyang mga nagiging karelasyon.

Pinalalayas na anak

Si Grace Samaniego isang single mother, ay dumulog sa tanggapan ng Raffy Tulfo In Action, sapagkat nais niyang ireklamo ang kaniyang ina na si Elvie Rico. Siya umano’y pinalalayas ng kaniyang ina sa bahay na tinitiran nito, kinuha ang kaniyang anak at mahilig pang mang himasok sa kaniyang pakikipag relasyon.

Nakikielam Daw? Nanay Na Concern Lang Ipina Tulfo Ng Kanyang Anak! 3
Photo Credit: Raffy Tulfo In Action

Sa interbyu sa ina ni Grace, napag-alaman na kaya ito nanghihimasok ay iniingatan lamang niya ang kaniyang anak. Ayon pa sa ina, sinasaktan at nag aadik ang kaniyang mga nagiging nobyo. Kasama narin sa kaniyang mga iniingatan ay ang kaniyang mga apo, na nakakasama umano ni Grace sa bahay kasama ang kaniyang mga nakaka live in.

Pagpapakumbaba ang hiling

Nakapag alaman pa ni Tulfo, na ang bahay na tintirahan ni Grace ay hindi kaniya kundi sa kaniyang ate na nsa ibang bansa, ngunit inilipat narin ito sa pangalan ng ina at ito narin ang nagpapatuloy ng buwanang bayad dito.

Nakikielam Daw? Nanay Na Concern Lang Ipina Tulfo Ng Kanyang Anak! 4
Photo Credit: Raffy Tulfo In Action

Kaya naman, ang payo ni Tulfo kay Grace ay magpakumbaba siya sa kaniyang ina upang hindi siya mapalayas sapagkat may karapatan umano ang ina na siyang paalisin, dahil siya’y nasa hustong gulang na o di naman kaya ay bumukod siya ng matitirahan. Ayon naman kay Nanay Elvie, handa siyang patawarin ang anak at tulungan pa ito sa kaniyang buhay.

Panuorin dito ang buong kuwento:

Source: Raffy Tulfo In Action

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: