Press "Enter" to skip to content

Nalockdown Na Construction Worker Sa Manila Gusto Nang Makauwi Sa Probinsya

Isang construction worker sa Manila ang nananawagang makauwi na sa kaniyang probinsya matapos ang ilang buwang pamamalagi sa lungsod dahil naabutan siya ng ipinatupad na lockdown. Ipinost ito ng isang netizen na si Joey Dabalos nitong Biyernes, ika-18 ng Disyembre sa kanyang Facebook account.

Paghingi ng tulong

Sa post ng isang netizen, ang lalaking ito ay Janito Dizon, 47 taong gulang. Siya ay naghahanap-buhay sa Antipolo, Manila bilang isang Construction worker.

Nalockdown Na Construction Worker Sa Manila Gusto Nang Makauwi Sa Probinsya 2

Sa panagwagan nito, nais lamang ni Janito na makauwi sa kaniyang tinitirhan sa Masbate dahil bukod kasi sa may iniinda siyang karamdaman, wala na rin daw siyang ibang malapitang makatatulong sa kanya.

Malungkot na sinasapit

Nang magkasakit si Janito habang nagtatrabaho sa Manila, sakto namang pagpapatupad ng lockdown sa lugar. Dahil dito, wala na siyang magawa kundi ang mamalagi sa lungod at hintayin na bumalik sa dati ang lahat.

Image may contain: people sitting and outdoor
Photo Credits: Joey Cator Dabalos

Hindi raw maganda ang kalagayan ni tatay ngayon lalo pa’t wala siyang permanenteng tinutuluyan at kung minsan aniya’y nagpapalipas siya ng gabi sa isang kubo at minan nama’y tanging karton lang ang kanyang ginagamit bilang pang-sapin.

Ani sa post ng netizen, kung minsan ay inaabutan nalang nila ng pagkain si tatay upang maibsan ang pagkagutom nito. At kapag masama ang panahon, pinapatuloy niya ito sa kanilang bahay para hindi siya mabasa ng ulan.

Makabalik sa probinsya

Dagdag pa sa post, kung minsan ay umiiyak na lamang si tatay Janito dahil sa labis na pagnanais na makauwi na sa Masbate.

Image may contain: 1 person, sitting
Photo Credits: Joey Cator Dabalos

“Kaya po nagbakasakali po kami sainyo na sana matulungan nyo po sya Sana po matulungan nyo po sya, gustong gusto nya lang po tlga makauwi, yan lang po ang nais nya , at sana po mapansin nyo ito at matulungan sya.”

Dahil sa trending post na ito, hiling tuloy ng netizens na sana’y tuluyang makauwi na si tatay Janito sa kanyang probinsya at para narin makasama niya na ang kanyang pamilya o kamag-anak doon.

Source: Joey Cator Dabalos

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: