Press "Enter" to skip to content

Nanay Na Nag Positibo Sa Covid-19, Napilitang Iwanan Ang Kanyang Mga Anak

Napilitang iwanan ng isang ina ang kanyang dalawang anak sa Lapu-lapu City, Cebu. Ito ay matapos siyang mag positibo sa COVID-19.

Dahilan ng pag-iwan

Mabigat sa dibdib ng isang 31-anyos na ina ang kaniyang pag-iwan sa kaniyang dalawang anak sa lungsod nitong Lunes. Ito ay matapos siya ay mag positibo sa COVID-19. Ayon sa kanya, nahawaan siya ng kanyang 63-anyos na tiyahin na unang nagkaroon ng COVID-19.

Nanay Na Nag Positibo Sa Covid-19, Napilitang Iwanan Ang Kanyang Mga Anak 2
ABS-CBN News

Sinundo ng Lapu-lapu City Risk Reduction and Management Office ang pasyente mula sa kanilang bahay sa Sacred Heart Village, Barangay Gun-ob. Ito ay upang dalhin sa ospital.

Ang pag-aalala

Ayaw sana niyang iwanan ang kaniyang mga anak, na parehong lalaki at nasa 5 at 6 na taong gulang, dahil nag-aalinlangan sa pagkupkop sa mga bata ang kanilang mga kamag-anak. Ito ay sa kadahilanang takot sila na baka positibo rin ang mga ito sa sakit.

Nanay Na Nag Positibo Sa Covid-19, Napilitang Iwanan Ang Kanyang Mga Anak 3
Pinterest

At nangangamabang baka mahawaan pa sila. Kahit sinabi na niyang nag negatibo ang mga anak sa medical test.

Pansamantalang mapag-iiwanan

Wala ang ama ng mga bata para mapag-iwanan sa mga ito. Dahil nasa Taiwan diumano ito kung saan ito nagtatrabaho bilang factory worker.

Nanay Na Nag Positibo Sa Covid-19, Napilitang Iwanan Ang Kanyang Mga Anak 4
Yahoo News

Mabuti na lamang at may isa pang tiyahin ang pasyente na pumayag mag-alaga pansamantala sa kanyang mga anak. Ayon kay Lapu-lapu Mayor Junard Ahong Chan, sagot nila ang pangangailangan ng dalawang anak at kamag-anak na kumupkop sa kanila.

Sa kasalukuyan

May 32 kaso ng COVID-19 cases sa Lapu-lapu City, batay sa April 27, 5 p.m. . Ito ay report ng Central Visayas for Center for Health Development nitong Martes. Nakapagtala na ng 7,958 na mga kaso ng COVID-19 sa buong bansa, bagama’t 975 sa mga ito ay gumaling, habang 19 naman ang namatay.

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: