Press "Enter" to skip to content

Nanay Na Nangangalakal At Nakatira Lang Sa Jeep, Kukuhanan Ni Idol Raffy Ng 1 Apartment Unit!

Isang mag-ina ang tinulungan ni Idol Raffy sa pamamagitan ng isang panawagan ng isang concerned citizen. Ayon sa informant, si nanay na 69-anyos at 34-anyos na anak ay nakatira na lamang sa jeep matapos umalis sa inuupahang apartment bunsod ng di mabayarang renta.

Nanirahan sa jeep

Ayon kay Apple Magbutay, nauwing manirahan ang nangangalakal na nanay na si Julieta Garzula sa isang jeep kasama ang anak nito na maysakit. Nabubuhay si nanay Julieta sa pangangalakal habang ang anak nito ay nawalan ng trabaho dahil sa pagkakaroon ng sakit. Sa kabila ng mga pagsubok sa buhay, marami namang tao na may mabuting puso ang nakapalibot sa mag-ina.

Nanay Na Nangangalakal At Nakatira Lang Sa Jeep, Kukuhanan Ni Idol Raffy Ng 1 Apartment Unit! 2

Mga mabuting loob

Isang mabuting puso na kapitbahay nina Nanay Julieta ang nagbigay sakanila ng masisilungan na jeep habang wala pa itong matirhan. Ang iba pa nilang kapitbahay ay nagkukusang loob na magbigay sa kanila ng tulong at pagkain.

Nanay Na Nangangalakal At Nakatira Lang Sa Jeep, Kukuhanan Ni Idol Raffy Ng 1 Apartment Unit! 3

Sina Nanay Julieta ay nakatira sa Pinagkaisa, New Lower Bicutan. Sa kabilang banda, taos puso naman ang pasasalamat ni Idol Raffy kay Magbutay dahil sa paghingi nito ng saklolo mula sa programa, para sa ibang tao.

Nanay Na Nangangalakal At Nakatira Lang Sa Jeep, Kukuhanan Ni Idol Raffy Ng 1 Apartment Unit! 4

Regalo ni sir Raffy

Dahil sa nakakaawang lagay at estado ni Nanay at ng kanyang anak, minabuti ni sir Raffy na magpaabot ng tulong na kung saan ay makakatanggap ang mag-ina ng kabuhayan na sari-sari store at bigasan. Liban pa diyan, ang hiling ni Nanay Julieta na mapatayuan ng kubo ay higit pa sa matatamo nya. Bilang tulong, minabuti ni Idol Raffy na magrenta ng isang apartment unit at babayaran na ang renta para za buong taon.

Nanay Na Nangangalakal At Nakatira Lang Sa Jeep, Kukuhanan Ni Idol Raffy Ng 1 Apartment Unit! 5

Umaapaw na biyaya

Dahil sa umaapaw na tulong ni Idol Raffy sa mag-ina, hindi naman napigilan ni Nanay Julieta na maiyak. Lubos ang pasasalamat nito kay Idol Raffy pati na rin kay Apple na syang naging daan para makakuha ng tulong. Lubos din ang pagbuhos ng dasal at pasasalamat ng netizens kay Idol Raffy dahil sa kabutihang loob nito.

Source: Raffy Tulfo In Action

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: