Press "Enter" to skip to content

Napanalunang Pera Mula Sa Prestihiyosong Award Ni Greta Thunberg, I-dodonate!

Ang 17 years old, Swedish Activist, na si Greta Thunberg ang hinirang na nanalo sa Gulbenkian Prize for Humanity. Pero ang perang napanalunan ay ibibigay naman niya.

Sikat bilang batang aktibista

Taga Sweden Greta Thunberg, na nagtrending sa kanyang sa kanyang kampanya para sa climate change crisis. At paghimok sa mga world leaders noong 2019 UN Summit sa America, na labanan ang climate change crisis, ang hinirang na nanalo sa prestihiyosong award ng Gulbenkian Prize for Humanity.

Napanalunang Pera Mula Sa Prestihiyosong Award Ni Greta Thunberg, I-dodonate! 2
Photo Credits: News For Kids

Lalong naging popular si Greta dahil bukod sa paging batang nakikibaka, ay may kapansanan siyang tinatawag na Asperger Syndrome. Pero imbis na panghinaan ng loob, tinawag niya ang kaniyang kondisyon na isang gift dahil ang pagiging “iba” ay pwedeng maging “superpower” ayon sa batang aktibista.

Tutulong siya

Ang SOS Amazonia at Stop Ecocide Foundations ang napiling bigyan ng funding ni Greta. Kapwa tatanggap ng tag 100,000 Euros ang dalawang grupo para mapatuloy ang kanilang mga gawain para sa pagpangalaga sa kalikasan.

Napanalunang Pera Mula Sa Prestihiyosong Award Ni Greta Thunberg, I-dodonate! 3
Photo Credits: Wikimedia Commons

Ayon sa kaniya,

“That is more money than I can begin to imagine, but all the prize money will be donated, through my foundation, to different organisations and projects who are working to help people on the front line, affected by the climate crisis and ecological crisis.”

Batang aktibista

Kinse (15) anyos pa lang si Greta nang nagsimula siya sa kanyang adbokasiya sa pamamgitang ng pagsali ng isang climate change essay contest sa isang local newspaper at nanalo. Tatlong (3) buwan pagkatapos ay nagsimula na siyang mag protestesa sa harap ng Swedish parliament building, at ipinawagan na tuparin ang carbon emission target agreed by world leaders in Paris noong 2015.

Napanalunang Pera Mula Sa Prestihiyosong Award Ni Greta Thunberg, I-dodonate! 4
Photo Credits: Glastonbury Town Council

Simula noon ay patuloy na ang pagkampanya ni Greta sa buong mundo. Ang kanyang statement na “How dare you? You have stolen my dreams and my childhood with your empty words” ay umani hindi lang ng papuri, kung di ay samot-saring pangungutya laban sa kanya.

Si Pres. US Trump ay nag patutsada sa kanya at sinabing mag focus sa kanyang “anger management problem”, na kadalasay sintomas sa mga batang may kapansanan katulad ni Greta. Si Russian President, Vladimir Putin, sinabihan siyang, “kind but poorly informed teenager”. Noong January naman si US Treasury Secretary Steven Mnuchin nagsabi na mag aral sa ekonomiya bago magbigay ng sermon sa mga investors.

Napanalunang Pera Mula Sa Prestihiyosong Award Ni Greta Thunberg, I-dodonate! 5
Photo Credits: BVI, Caribbeans and World News

Patuloy ang pakikibaka

Nagpasalamat si Greta sa natanggap na karangalan at sinabi, na bawat isa ay may kakayahann para panagutin ang mga politiko upang harapin ang mga hamong nangyayari sa mundo.

Sabi niya,

“I see the hope in democracy and in people. If people become aware of what is happening then we can accomplish anything, we can put pressure on people in power … if we just decide we have had enough then that will change everything.”

Source: Yahoo News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: