Press "Enter" to skip to content

‘Nasaan si Jane Castro?’: Babaeng Umorder At Nang Scam Sa Driver Ng Food Panda, Pinaghahanap Na!

Kasalukuyan ng pinaghahanap na ng mga netizen ang babaeng nambiktima sa rider ng Food Panda. Nag viral kasi ito matapos umorder ng pagkain na nagkakahalaga ng P5,800 ngunit hindi sinipot ang kawawang delivery man.

Wanted Jane Castro

Sa update ng concerned citizen na nagpost ng insidente, marami sa kanyang mga kaibigan, kapwa netizen, at mga otoridad ang handang tumulong sa ikadadakip ng scammer na ayon sa kawawang rider ay nagngangalang Jane Castro.

'Nasaan si Jane Castro?': Babaeng Umorder At Nang Scam Sa Driver Ng Food Panda, Pinaghahanap Na! 2

Sa kwento ng nag post na si Bernard Enriquez, tatlong beses ng may dumadating sa kanilang motorcycle rider bitbit ang mga pagkaing inorder ni Jane Castro. Ayon umano sa mga mga driver, inorder ito ni Castro upang ibigay umano sa mga frontliners.

Ang laki ng perwisyo dulot ni Castro

Sa mga unang text sumasagot pa umano si Castro ngunit ng kalaunan hanggang sa maideliver ay hindi na ito makontak. Sa pag order nito, 25box ng PM1 ng Mang Inasal, ilang halo halo at maraming extra rice ang kinompromiso nito. Sa dami nito, nakadalawang balik pa ang kawawang driver sa nasabing fast food store.

'Nasaan si Jane Castro?': Babaeng Umorder At Nang Scam Sa Driver Ng Food Panda, Pinaghahanap Na! 3

Inabot ng P5,800 ang lahat ng pagkain inorder ng walang pusong si Jane. Maliban pa dito, may nauna ng dumating na dalawang pang driver,ilang minuto bago dumating ang driver ng Food Panda. Parehong-pareho ang eksena. May bitbit ang isa na milk tea habang ang isa naman ay pagkain galing sa Jollibee. Inorder daw ito ng isang Jane Castro na nakatira sa adrress ni Enriquez.

Kawawang rider

Nang mapagtantong nabiktima sila ng scam, inalok na lang umano sa kanya ng libre ang mga dala nila ngunit tinanggihan niya ito. Sa halip, ibinigay nalang ito sa isang gasoline boy. Umabot sa P1,500 ang nasayang sa mga naunang riders.

'Nasaan si Jane Castro?': Babaeng Umorder At Nang Scam Sa Driver Ng Food Panda, Pinaghahanap Na! 4

Galit na galit ang mga netizen dahil dito. Anila, hindi birong init at haba ng pila ang tinitiis ng mga food delivery para lang madala sa mga customer nila ang kanilang mga order. Bukod pa ito sa perang imbes na magagastos nila sa kanilang pamilya ay nasasayang lang dahil sa mga taong tulad ni Jane Castro na walang ginawa kundi mamerwisyo ng ibang tao.

Source: Bernard Enriquez

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: