Press "Enter" to skip to content

Natuwa Ang Mga Netizens Sa “Quarantine Store” Ng Isang Ina

Davao Del Norte – Trending ngayon sa social media ang isang malikhaing ina na nagtayo ng “Quarantine Store” sa loob mismo ng kanilang bahay. Ayon kay mommy Hycinth Clor de Arta, ginawa nya ito upang mayroong mapaglibangan ang kanyang mga anak ngayong panahon ng quarantine.

Home quarantine store

Ang “Quarantine Store” na ginawa ng ginang ay isang maliit na estante lamang sa kanilang salas. Iba’t-iba ang makikita sa kanyang tindahan. Lahat ng paninda ay may nakasulat na presyo. Sa itaas na bahagi ay naroon ang mga biskwit, kendi at iba pang pagkaing pambata. Samantalang sa ilalim naman ay mayroong mga saging, mansanas, mais at pati na manggang hilaw.

Natuwa Ang Mga Netizens Sa "Quarantine Store" Ng Isang Ina 2

Nakakatuwa namang tingnan ang paraan ng pagkaka-ayos sa mga paninda ni mommy Hycinth na tiyak na kagigiliwan ng mga bata. Dahil kaaya-aya itong tingnan, sigurado na papatok nga naman ito sa mga anak nya. Pangbalanse rin ang mga masustansyang prutas sa ilalim ng estante. Kagaya ng totoong tindahan, may sarili din itong counter at may scanner pa!

Sahod

Para makabili ang tatlong anak sa kanyang tindahan, kailangan nila ng perang pambili. Maaari silang kumita ng pera sa pamamagitan ng pagtatrabaho. Ang kanilang sahod, play money. Bawat trabaho na kanilang ginawa ay may karampatang halaga na sya naman nilang magiging sahod.

Natuwa Ang Mga Netizens Sa "Quarantine Store" Ng Isang Ina 3

May listahan si mommy kung magkano ang kikitain nila kapag nakagawa sila ng mga gawaing bahay. Halimbawa, ang pagwawalis na dalawang daang piso ang bayad. Ang pinakamahal ay ang pagtapon ng basura na nagkakahalaga ng limang daang piso. Pati ang simpleng pag-aayos ng kama ay may bayad din.

Mga patakaran

Mahigpit ang mga patakaran sa tindahang ito. Una, bukas lamang ito mula alas otso ng umaga hanggang alas sais ng gabi. Bawal bumili ang hindi naka mask. Kailangan ding mag alcohol muna bago bumili. Ang mag-aaway ay ban sa tindahan at hindi maaaring bumili sa loob ng tatlong oras.

Natuwa Ang Mga Netizens Sa "Quarantine Store" Ng Isang Ina 4

At ito pa, bawal ang utang. Hindi naman maaaring pumasok sa tindahan ni mommy ang walang pera, paano nga naman bibili. Bawal ang mangupit at higit sa lahat, ang pinakahuli, magtrabaho sa loob ng bahay kung gustong kumita ng pera. Ito ang siksik sa disiplinang patakaran sa tindahan ni mommy.

Disiplina

Dahil nga naman may quarantine, kailangan ang social distancing na mahigpit na ipinapatupad kapag bumibili sa tindahan. Hindi pwedeng magkalapit habang nakapila. Ang cashier, si mommy syempre! Kaya walang kawala ang mga chikiting kundi sumunod.

Natuwa Ang Mga Netizens Sa "Quarantine Store" Ng Isang Ina 5

Bago makabili, kailangan gumamit ng hand sanitizer. Saan ka pa! Ito ay isang malikhaing paraan ng pagturo sa mga bata ng kahalagahan ng pagtatrabaho para kumita.

Isa ring napakagandang aral dito ay ang disiplinang maitatak sa isipan ng mga bata. Dapat ay sumunod sa anumang patakaran, sa loob o labas man ng bahay. Ito lamang ay nagpapakita na ang kagandahang asal ay mahalagang matutunan nila sa loob mismo ng tahanan.

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: