Press "Enter" to skip to content

Nawawalang COVID-19 Na Pasyente, Naibalik Na Sa Hospital

Manila, Philippines – Nahanap na ang COVID-19 na pasyente ng Philippine General Hospital (PGH) matapos itong tumakas at nag tangkang bumalik sa kanilang baranggay sa Manila.

Nangyaring pag takas

Matapos malaman ni Jonard Castillo ang pag takas ng isang pasyente sa kanilang pagamutan, humingi kaagad ito ng tulong sa San Nicholas Police Community Precinct.

Nawawalang COVID-19 Na Pasyente, Naibalik Na Sa Hospital 2
Photo credits: Manila Bulletin

Agaran naman inaksyunan ng mga tauhan ng nasabing presinto ang nangyaring insidente at ito’y nakipag-ugnayan sa Manila Police Department at PGH Rescue Team. Naka suot ng Personal Protective Equipment (PPE) ang mga awtoridad ng mahanap nila ang nawawalang pasyente sa kahabaan ng Sevilla Street, sa Baranggay 274 Z-25 ng Binondo Maynila.

Pasyenteng tumakas

Ang nasabing pasyente ay isang 31 anyos na lalake at nag positibo sa Corona Virus Disease (COVID-19). Sa initial na ulat ng awtoridad, sinabi nilang posible umanong nainip ang pasyente kaya naisipan nitong tumakas sa hospital at binaybay ang daan pauwi na di kalayuan lamang ang distansya sa kanilang bahay.

Nawawalang COVID-19 Na Pasyente, Naibalik Na Sa Hospital 3
Photo credits: Manila Bulletin

Maayos namang nakumbinse ang nasabing pasyente matapos itong paki-usapan na bumalik na lamang sa pagamutan. Ayon sa medical team, kusang loob naman itong sumama at ngayon ay naibalik na sa Philippine General Hospital para ipatuloy ang kaniyang medical confinement.

Samantala, iniimbestigahan na ang nangyaring kapabayaan at insidente sa pagamutan. Hindi pa nag bibigay ng pahayag ang hospital sa nangyaring insidente.

Nawawalang COVID-19 Na Pasyente, Naibalik Na Sa Hospital 4
Photo credits: Manila Bulletin

Sa ngayon, ang kabuuhang bilang ng pasyenteng nag positibo sa Covid-19 ay umabot na sa 141 ayon sa datos ng PGH. Samantala, nasa 144 naman ang naka rekober at 44 naman ang bilang ng mga naka uwi na ng kani-kanilang tahanan.

Source: Manila Bulletin

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: