Press "Enter" to skip to content

Nawawalang Mangingisda, Natagpuang Patay sa Iloilo

Last updated on June 1, 2020

Natagpuan sa baybayin na sakop ng Barangay Nasidra sa bayan ng Ajuy, Iloilo ang bangkay ng mangingisda mula Negros Occidental. Halos dalawang araw nang nawawala ang naturang mangingisda ayon sa mga awtoridad.

Hinahanap ng pamilya

Ang namatay na mangingisda ay kinilala na si Marlon Adique, 39 taong gulang, at residente ng Victorias City, Negros Occidental.

Ang nasabing mangingisda ay halos dalawang araw nang pinaghahanap matapos masagi ng barko ang kanilang fishing boat sa gitna ng dagat ng Ajuy, Iloilo .

Nawawalang Mangingisda, Natagpuang Patay sa Iloilo 2
Photo Credit: Philippine Coast Guard

Ayon sa mga awtoridad, Sabado pa ng gabi ng maiulat sa kanila ang pagkawala ni Adique. At nuon ngang ika-25 ng Mayo ng madaling-araw, ito ay bangkay na nang matagpuan.

Positibong kinilala

Sa panayam kay Commander Jansen Benjamin, pinuno ng Philippine Coast Guard, positibo nang kinilala ng mga kamag-anak ni Adique ang kaniyang bangkay. Kaagad nila itong iniuwi sa Victorias City para sa kanyang libing.

Nawawalang Mangingisda, Natagpuang Patay sa Iloilo 3
Photo Credit: TNT Ahttps://tnt.abante.com.ph/matapos-mawala-mangingisda-natagpuang-dedo/bante

Ayon pa kay Com. Benjamin, ang bangkay ng mangingisda na si Adique ay natagpuan ni Joel Tamaga nuong Lunes ng madaling-araw sa baybayin ng Nasidra, Ajuy, Iloilo. Kasabay ito ng kanilang isinagawang search and rescue operations.

Ang aksidente

Sa ulat ng Coast Guard official, alas-11:00 ng gabi nitong Mayo 23 nang masagi ng hindi pa natutukoy na barko ang fishing boat nina Marlon Adique at Agustin Flor. Sila ay taga-Zone III, Barangay Pasil, Victorias City.

Nawawalang Mangingisda, Natagpuang Patay sa Iloilo 4
Photo Credit: Philippine Coast Guard

Dahil sa lakas ng pagkaka-bangga, tumilapon si Adique mula sa kanilang fishing boat. Nakaligtas naman mula sa aksidente at nakauwi sa Victorias City ang kasamahan niyang si Flor. Agad itong nakahingi ng tulong sa mga awtoridad para mahanap si Adique.

Source: ABS-CBN News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: