Press "Enter" to skip to content

NBI: Isa Sa Mga Biktimang Sundalo Sa Sulu Encounter, Nagtamo Ng 8 GuNsh0T Wounds

Sinabi ng Philippine National Police na nasa kamay ng National Bureau of Investigation ang pagdedetermina kung mayroon nga bang naganap na ‘ov3rkiLL’ sa Jolo, Sulu misencounter.

Ov3rkiLL

Matapos ang isinagawang autopsy sa bangkay ng apat na sundalo, isa sa mga ito ang nagtamo ng walong gUnsh0T wounds. Pahayag ni Brigadier General Banac, sa ngayon ay hinihintay nito ang resulta ng imbestigasyon na isinasagawa ng NBI.

NBI: Isa Sa Mga Biktimang Sundalo Sa Sulu Encounter, Nagtamo Ng 8 GuNsh0T Wounds 2

“Sa ngayon, hintayin na lang natin ang magiging kalalabasan ng investigation ng NBI. Wala na po tayong maibibigay pa na anumang pahayag maliban doon sa nasibak na ang hepe ng Jolo Municipal Police Station bilang bahagi ng kanyang command responsibility,”

Ayon naman sa pagiimbestiga ng NBI, liban sa walong gUnsh0T wounds na natamo ng isang sundalo, ang dalawa pa ay nagtamo ng tig-tatlong tama ng baRiL. Ayon naman kay NBI Deputy Director Lavin, natapos ang isinagawang autopsy noong Martes ng gabi. Ang katawan ng tatlong sundalo na sina Capt Irwin Managuelod, Sergeant Eric Velasco, at Major Marvin Indamog ay dinala sa Maynila habang ang labi naman ni Corporal Abdal Asula ay agad na inilibing alinsunod sa tradisyon ng Islam.

Insidente o mUrd3r?

Ang insidente na ito ay tinuturing ng PNP bilang sho0ting incident habang itinuturing naman ito bilang kaso ng mUrd3r para sa Philippine Army.

NBI: Isa Sa Mga Biktimang Sundalo Sa Sulu Encounter, Nagtamo Ng 8 GuNsh0T Wounds 3

Ayon kay Army chief Lieutenant General Gilbert Gapay, ang spot report na isinumite ay puno ng kakulangan at kasinungalingan. Bunsod nito ay nanawagan si Defense Sec Delfin Lorenzana sa kasundaluhan na huwag na palalain pa ang isyu sa gitna ng dalawang panig- pulis at sundalo.

Imbestigasyon

Sa kabilang banda, ibinahagi ni Banac na tumatakbo na ang imbestigasyon sa CCTV footage ng insidente at hangad nito na mapabilis ang pagresolba rito.

NBI: Isa Sa Mga Biktimang Sundalo Sa Sulu Encounter, Nagtamo Ng 8 GuNsh0T Wounds 4

“Pinapaubaya na natin sa investigation ng NBI ang pag-validate ng nasabing kumakalat na viral video at upang malaman natin kung ano ang source at ano nilalaman nito. So inaasahan natin na makakapagbigay ang NBI ng kanilang findings tungkol sa bagay na ito,”

Dagdag pa riyan, sinisiguro nito sa publiko na nakikipagtulungan na ang kapulisan ukol sa insidente.

Source: GMA News Online

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: