Press "Enter" to skip to content

Netizen Nagtrending Matapos Gayahin Ang Mala-Clint Bondad Na IG Stories

Kamakailan lamang ay pinagkaguluhan sa social media ang IG stories ni Clint Bondan sa patutsada nito sa ex niyang si Catriona Gray at bagong boyfriend nito na si Sam Milby. At dahil na rin sa mga cryptic messages at images na pinost ni Clint, ilan sa mga netizens ay sinubukang hulaan ang mga laman ng ig stories ng nasabing model-turned businessman.

Ang gumaya

Bilang mga pinoy ay may kaugalian tayong alam na alam ng lahat, ang pagiging masayahin. Ilan lang dito ay ang pag-gawa ng mga memes mula sa mga seryosong litrato at gawing magaan ang mga seryosong pagkakataon lalo na sa online world.

Netizen Nagtrending Matapos Gayahin Ang Mala-Clint Bondad Na IG Stories 2
Photo Credits: Gelo Medina/Facebook

Kung nagdala ng ka-creepy-han at pag aalala sa mga netizens ang mga post ni Clint ay tila hindi naman papahuli sa trend ang isa sa mga netizens na ginaya ang IG stories ni Clint ngunit sa mas nakakatawang mga mensahe.

Noong nakaraang linggo ng mag post sa sarili niyang IG si Benj Ramos ng mga images na kahaling tulad sa mga post ni Clint at maraming netizens ang natawa sa ginawa niyang ito.

Netizen Nagtrending Matapos Gayahin Ang Mala-Clint Bondad Na IG Stories 3
Photo Credits: Gelo Medina/Facebook

Ang ilan pa sa mga ginamit na salita sa mga posts ay ang mga sikat na “G-words” at “Jejemon words” noong 90’s na talagang ikinagiliw at nag dala ng laughtrip sa mga nakabasa.

Ang mga naki-comment

Dahil likas na rin sa ating mga Pilipino ang pagiging palabiro ay naki-ayon naman ang mga netizens na tila nakiki-kanta at nagbibigay pa ng mas nakakatawang ideya patungkol sa post sa comment sections ng bawat litrato.

Netizen Nagtrending Matapos Gayahin Ang Mala-Clint Bondad Na IG Stories 4
Photo Credits: Gelo Medina/Facebook

Nabanggit sa isang parte ng post ang mga lyrics sa awitin na nanggaling sa isang palabas noong 90’s na Siniskwela at nakidugtong naman na tila umaawit ang mga nag ko-comment.

Ayon pa sa isang netizen,

“Putek, naririnig ko kahit walang tugtog. Hahaha”

Netizen Nagtrending Matapos Gayahin Ang Mala-Clint Bondad Na IG Stories 5
Photo Credits: Gelo Medina/Facebook

Ang ibang netizen naman ay tila napa-throw back sa ibang images.

Netizen Nagtrending Matapos Gayahin Ang Mala-Clint Bondad Na IG Stories 6
Photo Credits: Gelo Medina/Facebook

Ayon sa netizen,

“Omg this one literally childhood”

Netizen Nagtrending Matapos Gayahin Ang Mala-Clint Bondad Na IG Stories 7
Photo Credits: Gelo Medina/Facebook

May ibang parte din ng post na tila ito ay nag-aanyaya na parang networking at nag comment naman ang mga netizens ng mga patungkol din sa networking.

Netizen Nagtrending Matapos Gayahin Ang Mala-Clint Bondad Na IG Stories 8
Photo Credits: Gelo Medina/Facebook

Maraming netizens ang napasaya ng post na ito ni Benj at tila nakalimutan panandalian ang mga post ni Clint.

Samantalang ang ilang mga netizens naman ay tila nadismaya sa pag hihintay ng pasabog umano sa IG stories ni Clint. Matatandaang may countdown ito sa IG Stories nito ngunit nang sumapit ang last minutes ng countdown ay tila hindi ito makapag post.

Source: Gelo Medina / Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: