Press "Enter" to skip to content

Netizen, Nireklamo Ang Isang Tindahan Sa Talipapa Dahil Kulang Ng Isang Slice Ang Nabiling Isda

Manila Philippines – Inulan ng samut-saring reaksyon ang post ng isang netizen na nagreklamo matapos matanggal ang kaniyang hiniling isda sa talipapa na kulang ng isang Hiwa.

Panawagan

Ayon sa ipinost ni Relivic Gelle Taladtad, inirereklamo nito ang isang tindahan sa Talipapa kung saan siya ay bumili ng sariwang isda.

Netizen, Nireklamo Ang Isang Tindahan Sa Talipapa Dahil Kulang Ng Isang Slice Ang Nabiling Isda 2

Kwento ni Relivic, bumili siya sa palengke ng yellow fin na isda at kaniya itong ipina-slice sa tindera ngunit laking gulat na lamang niya ng pagdating sa bahay ay kulang ng isang hiwa ang kaniyang biniling isda.

Ani niya,

“Pki nman po sa mga nagtitinda ng mga isda sa palengke, bumili po kc ako ng yellow fin pina slice ko po pagdating ko po sa bahay kulang n po ng isang slice.”

Reklamo ni Misis

Bukod kasi sa kulang ng isang hiwa ang kaniyang binili ay hindi niya na ito maisasauli sa tindera dahil malayo pa sa bayan ang kanilang bahay.

Netizen, Nireklamo Ang Isang Tindahan Sa Talipapa Dahil Kulang Ng Isang Slice Ang Nabiling Isda 3

Ani ni Relivic,

“Mabuti po sana kung mlapit lng kmi, e dito po kmi sa pulo bbalikan ko sana yung nagtitinda. Ang mahal mahal n nga ng kilo dudugasin pa.”

Dagdag pa niya,

“Sana po pagsabihan nyo nman yung mga tagalinis ng isda n maging honest nman sila kung di sila.”

Talamak na kalakaran

Dahil sa kaniyang post, marami ang nagpa abot ng pagka dismaya sa nangyari kay Relivic. Ang iba naman ay naging curious pa at nag tanong kung saan bandang tindahan sa Talipapa siya nakabili ng sa gayon ay hindi na sila matulad sa naging karanasan ni Relivic.

Ngunit ang pumukaw sa atensyon ng marami ay ang komento ng isa ring Nanay na nagrereklamong ng kaparehas na karanasan ng kay Relivic.

Ayon kay Lorjoy Belico,

“Ilan beses din gingawa skin Yan hnd ko pinapatawad khit marme Tao pinagsasabihan ko hnd nman tayo NG hihingi sa knila binibile Yan tapos manloloko pa cla di cla pwd skin, kht sa tindahan NG baboy madami din manloloko.”

Kaya naman na-alarma ang karamihan at nanawagan ang mga ito sa kinauukulan na sana’y bigyan ng aksyon ang panlolokong talamak na ginagawa sa Talipapa ng BiƱan.

Source: Relivic Gelle Taladtad

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: