Press "Enter" to skip to content

Netizen, Tinawag Na ‘Spoiled At Self Entitled’ Si Sharon Cuneta

Manila, Philippines – Isang netizen ang naging popular sa kaniyang post sa social media matapos niyang I kumpara kung paano I-handle ng Duterte Family ang situation noong naging puntirya din ng threat at harassment si Veronica “Kitty” Duterte.

Trending na post

Sa post ni Krizette Laureta Chu kaniyang minaliit Sharon Cuneta at ikinumpara sa pamilya Duterte noon ng makatanggap sila ng banta at pag akusa na kasangkot sa isinawalat na drug syndicate ni Peter Joemel “Bikoy” Advincula noong 2019.

Netizen, Tinawag Na 'Spoiled At Self Entitled' Si Sharon Cuneta 2

Sa isa nitong video, sinabi ni Bikoy na ang 15 anyos na presidential daughter at tumatanggap ng payoffs mula sa illegal na transactions ng sila ay bumiyahe papuntang Hong Kong noon.

Ani niya,

“Ang daming r*pe threats against Kitty Duterte in the beginning, sinabi ding may kinalaman sa drugs (LOLOL), dinamay pa ni Bikoy at Trillanes yung minor sa “Ang Totoong Narcolist” video where they said Honeylet Avanceña and Kitty were receiving payoffs from the illegal drug trade and depositing transactions in banks in Hong Kong.”

Dagdag pa niya, ang tanging sinabi lang daw ni Honeylett:

“Pag sure oi.”

Matapos sumuko, Humingi Ng tawad si Bikoy sa pagdawit ng Duterte Family at pinaratangan na si former Senator Antonio Trillanes IV ang nag utos sa kaniya na gawin ang nasabing video.

Pag kumpara

Ayon kay Chu, ang ina ni Kitty na si Honeylet Avacena ay Nagpahayag lamang ng maiksi laban sa paratang ni Bikoy noon samantalang si Sharon Cuneta daw ay masyado umanong vocal sa social media Dia sa pag Depensa sa kaniyang asawang si Senator Francis “Kiko” Pangilinan at anak na si Frankie Pangilinan.

Ayon sa kaniya,

“Hindi naman nag break down si HONEYLET o yung Presidente. Hindi naman nila pinahanap yung nag r*pe threat, considering yun eh mga blatant threats at hindi (kung ako ay 12 years old) hypothetical statements.”

Sabi pa ni Chu na hindi kailanman humingi sila ng tulong sa para I-man hunt ang netizen na nag banta kay Kitty noon na gagahasain ito.

Aniya,

“Di din naman sila nag tag ng kung sino sino. Di naman sila nag recite ng lineage at genealogy nila, considering Governor yung Tatay ni Duts, hindi lang Mayor.”

Pinabulaanan din ng netizen na ang pamilya Duterte ay maayos na na-handle ang isyu kasi hindi sila “self entitled” at “spoiled”.

Wika niya,

“Ganon ata pag hindi self entitled at spoiled, I think? (Di ko masyadong alam eh kasi ako self entitled at spoiled at bungangera pa.) Kung ako yun, tag ko si Putin agad agad tignan natin.”

Batikos ng bashers

Dahil sa post ni Sharon, umani naman ito ng samo’t saring batikos ng mga nakaraang araw matapos siyang mag post sa social media para depensahan ang kaniyang pamilya sa supporters ng Pangulo.

Netizen, Tinawag Na 'Spoiled At Self Entitled' Si Sharon Cuneta 3

Dumagdag pa ang batikos na nasa mo ni Sharon matapos niyang inihayag ang suporta kay VP Leni bilang Pangulo sa darating na eleksyon.

Sabi pa ni Sharon,

“Hoping that the people became decent under the leadership of the latter.”

Samantala, umani naman ng milyong shares at views ang nasabing post ni Chu.

Source: Krizette Laureta Chu

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: