Press "Enter" to skip to content

Ninja Moves! Kuya, Huli Sa CCTV Na Nagnakaw Ng Sahog Sa Lugaw!

Isang customer sa bilihan ng lugaw ang nag-ninja moves para mangulimbat ng libreng laman sa lugaw. Sa pamamagitan ng post ng Facebook netizen na si Emily Magayanes, nag-viral ang video na kung saan ay kitang-kita kung paano kinuha ng kuyang customer sa lugawan ang laman mula mismo sa kaldero.

Viral video

Sa viral video na kumakalat sa Facebook ngayon, makikita ang tila paghihintay ng tatlong magkakasamang lalake. Sila ay customer at kasalukuyang bumibili ng lugaw.

Ninja Moves! Kuya, Huli Sa CCTV Na Nagnakaw Ng Sahog Sa Lugaw! 1

Ngunit mas makikita sa video ang dalawang lalake na naka-jacket. Isa ay nakasuot ng gray na jacket at ang isa ay naka-pink, parehong nakaputing sumbrero.

Maya-maya ay makikita ang matandang tindera na umalis habang nagaayos ng order ng mga customer. At dahil walang bantay, nagkaroon ng pagkakataon naman si kuya na kumuha ng laman mismo sa kaldero na syang abot kamay ng customer.

Ninja Moves! Kuya, Huli Sa CCTV Na Nagnakaw Ng Sahog Sa Lugaw! 2

Inilagay nito ang ninakaw na sahog sa isang lalagyan na inihanda nito na nakapwesto sa bandang paanan nila. Saka naman nila dali-dali inabot sa iba pang kasama.

Order served

Maya maya ay dumating na ang matandang nagaayos ng order ng mga kuyang tapos na makakupit ng sahog sa lugaw. Matapos maihanda ang order, iniabot nito sa mga customer at naiwan ang matandang server nang walang kamalay-malay na nalusutan na pala sya.

Ninja Moves! Kuya, Huli Sa CCTV Na Nagnakaw Ng Sahog Sa Lugaw! 3

Ninja moves

Maraming netizens ang nainis sa ginawang panlalamang ng mga feeling gangster na mga kuya. Anila ay galawan umano ito ng taong wala sa matinong pag-iisip.

Anila ay imbis na magtrabaho at maging marangal ay tila mas pinili pa ng mga ito na magtambay at manlamang sa mga taong gumagawa ng maayos sa trabaho.

Maraming netizens ang nagta-tag sa programa ni Raffy Tulfo upang mapukaw ang atensyon ng programa at mabigyan ng leksyon ang mga gangster na ito.

Laman sa lugaw ninakaw

Posted by Emily Magayanes on Wednesday, February 19, 2020

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: