Press "Enter" to skip to content

No Car, No Problem! Mga Kabataan, Namigay Ng Relief Goods Sakay Ng Mga Kabayo!

Isang grupo ng kabataan ang gumamit ng 4 na kabayo upang gawing sasakyan. At Ito ay kanilang ginamit upang maghatid ng kanilang mga relief goods sa nasabing lugar.

Transportation ban

April 19, nang maisipan nina Breih Pascua at ng kaniyang mga kaibigan na mamigay ng mga ayuda sa gitna ng enhanced community quarantine. Ngunitang kasalukuyang transportation ban ang nagiging hadlang.

Upang ito ay maisakatuparan sila ay gumamit ng mga kabayo na siyang nagsilbing sasakyan upang maihatid ang nasabing ayuda sa bawat tahanan ng kanilang mga kababayan.

Transportation Ban
Abante

Sinabi pa ni Pascua “This time balik tayo sa makalumang pamamaraan! No car? No problem! Thank you to these horses (ares, athena, victoria, and bella) of victoria equestrian who helped us distribute these relief packs on some of the areas in our town.” Ang apat na kabayong ito ay kanila umanong hiniram sa Victoria Equestrian Center sa kanilang lungsod sa Tarlac.

Ayuda

Ang ipinambili ng mga nasabing ayuda ay mula sa kanilang ginawang fund raising sa loob ng isang linggo. Ang mga funds ay kanilang ibinili ng mga gulay at iba pang goods na siyang ipinamahagi sa kanilang mga kababayan. Kasama din sa kanilang adbokasiya ang isulong ang healthy na mga pagkain gaya na lamang ng gulay kahit pa tayo ay nasa gitna ng krisis.

Target din umano ng kanilang grupo na tulungan ang mga hikahos na umaasa lamang sa bakal-bote, pedicab driver, labandera at iba pa, na siyang lubos na apektado sa naganap na malawakang lockdown.

Ipagpapatuloy

Ayon din sa grupo ni Pascua ipagpapatuloy di umano nila ang pamimigay ng ayuda hangga’t hindi natatapos ang nasabing enhanced community quarantine.

Transportation Ban
GMA

Ito ay isang kahanga-hangang larawan ng isang mabuting adbokasiya sa paghahatid ng tulong. Nagpapakita din ito na ang pag tulong sa kapwa ay hindi mahahadlangan ng anumang kalamidad na pinagdadaanan sa panahong ito.

Source: GMA

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: